Lopinavir and ritonavir
Abbott Laboratories | Lopinavir and ritonavir (Medication)
Desc:
Ang Lopinavir at ritonavir ay mga medikasyong pangontra mikrobyo na pumipigil sa mga selula ng human immunodeficiency virus (HIV) mula pagpaparami sa iyong katawan. Ang kombinasyon ng Lopinavir at ritonavir ay ginagamit upang gamutin ang HIV, na nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang gamot na ito ay hindi lunas para sa HIV o AIDS. Ang kombinasyon ng Lopinavir at ritonavir ay mayroong tableta at solusyon (likido) na iniinom gamit ang bibig. Ito ay kadalasang iniinom ng dalawang beses sa isang araw, ngunit maaaring inumin ng isang beses sa isang araw ng ilang mga adulto. Ang solusyon ay dapat na inumin ng may pagkain. Ang mga tableta ay maaaring inumin ng mayroon o walang pagkain. Sunding maingat ang mga direksyong nasa pabalat, at tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko na ipaliwanag sa iyo ang kahit anong parteng hindi mo maintindihan. Inumin ang Lopinavir at ritonavir ng eksaktong gaya ng dinirekta. Huwag iinom ng mas marami o mas madalas kaysa sa inireseta ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang mga pinakakaraniwang epekto ay sakit ng tiyan, panghihina, pagduduwal, pagtatae, pagsusuka, sakit ng ulo at hindi pagkakatulog. Ito ay maaaring magsanhi ng pagpapalya ng atay at mga pankreya. Katulad ng paggamit ng mga protease inhibitor, ang medikasyong ito ay maaaring maiugnay sa redistribusyon o akumulasyon ng taba ng katawan, tumaas na kolesterol at paglala ng dyabetis. Ito ay maaaring magsanhi ng mga abnormal na ritmo ng puso. Ito ay dapat na gamiting maingat sa mga pasyenteng mayroong umiiral na mga kondisyon sa puso. ...
Precaution:
Maraming ibang mga gamot ang pwedeng makisalamuha sa Lopinavir at ritonavir. Sabihin sa iyong doktor ang tungkol sa lahat ng mga medikasyong iyong ginagamit. kasama rito ang may reseta, walang reseta, bitamina, at mga produktong erbal. Huwag magsisimula ng bagong medikasyon ng hindi sinasabi sa iyong doktor. Itabi ang listahan ng lahat ng iyong mga gamot at ipakita ito sa kahit sinong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan ng gumagamot sa iyo. Ang HIV/AIDS ay kadalasanag ginagamot ng kombinasyon ng mga gamot. Gamitin ang lahat ng mga medikasyong dinirekta ng iyong doktor. Huwag babaguhin ang iyong dosis o oras ng medikasyon ng walang abiso ng iyong doktor. Ang bawat taong mayroong HIV o AIDS ay dapat na manatili sa pangangalaga ng doktor. Ang pag-inom ng gamot na ito ay hindi ka pipigilan sa panghahawa sa ibang mga tao. Iwasang magkaroon ng hindi protektibong pakikipagtalik o paghihiraman ng mga pang-ahit o sipilyo. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa ligtas na mga paraan upang pigilan ang pagpapasa ng HIV habang nakikipagtalik. Ang paghihiraman ng gamot o mga karayom ay hindi kailanmang nagging ligtas, kahit na sa isang malusog na tao. ...