Lopressor
Novartis | Lopressor (Medication)
Desc:
Ang Lopressor/metoprolol ay kasama sa isang klase ng mga gamot na kilala bilang mga beta blocker. Ang Lopressor ay ginagamit ng mayroon o walang kasamang ibang mga medikasyon upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo (altapresyon). Ang pagpapababa ng mataas na presyon ng dugo ay tumutulong sa pagpipigil ng mga atakeng serebral, mga atake sa puso, at mga problema sa bato. Ang medikasyong ito ay maaari ring gamitin para sa iregular na mga tibok ng puso, pagpapalya ng puso, pagpigil ng mga sakit ng ulong migraine, mga pangangatog at ibang mga kondisyong tinukoy ng iyong doktor. Ang medikasyong ito ay ginagamit rin upang gamutin ang sakit ng dibdib (anghina) at upang pataasin ang pagkakaligtas pagkatapos ng atake sa puso. Inumin ang medikayong ito gamit ang bibig, kasama o pagkatapos kumain, ayon sa dinirekta ng iyong doktor, kadalasang isa o dalawang beses sa isang araw. ...
Side Effect:
Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay may mapansing kahit anong sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi, kasama ang: pamamantal, pangangati (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang gamot na ito ay maaaring magpababa sa daloy ng dugo sa iyong mga kamay at paa, ginagawang malamig ang mga ito. Maaaring palalain ang epektong ito ng paninigarilyo. Magsuot ng mainit na damit at iwasan ang paggamit ng tabako. Upang mabawasan ang panganib ng pagkahilo, marahang tumayo mula sa pagkakaupo o pagkakahigang posisyon. Ang pagkaantok, pagkahilo, pagkapagod, pagtatae, at marahang tibok ng puso ay maaaring mangyari. ...
Precaution:
Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: ilang uri ng mga problema sa ritmo ng puso (tulad ng mabagal na tibok ng puso, sick sinus na sindrom, ikalawa- o ikatlong digri ng atrioventricular block), mga problema sa paghinga (tulad ng hika, kronik na brongkitis, empaysema), sakit sa atay. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...