Loratadine and pseudoephedrine
Square Pharmaceuticals | Loratadine and pseudoephedrine (Medication)
Desc:
Ang Loratadine ay isang antihistamine na gumagawa sa pamamagitan ng pagpapaginhawa sa mga nagluluha at nangangating mata, makating ilong, at pagbahing na sanhi ng alehiya. Ang pseudoephedrine ay isang decongestant na tumutulong sa pagpapaginhaw ng baradong ilong, itinatatag ang sinus draining, at pinabubuti ang paghinga. Ang kombinasyon ng dalawang ito ay ginagamit upang gamutin ang mga sintomas ng alerdyi at karaniwang sipon tulad ng pagbahing, ubo, makati o baradong ilong, makati o nagluluhang mga mata, pamamantal, pangangati. Ang gamot na ito ay nirireseta lamang at dapat na inumin gamit ang bibig, kadalasan ay dalawang beses sa isang araw, o eksaktong gaya ng dinirekta ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang mga pinakakaraniwang epektong pwedeng isanhi ng medikasyong ito ay ang: malabong paningin; tuyong bibig; pagduduwal, sakit ng tiyan, konstipasyon; kaunting kawalan ng ganang kumain, pag-iiba ng tiyan, init, pagtusok-tusok, o pamumula ng iyong balat; mga problema sa pagtulog; walang kapahingahan o pagkasigla (lalo na sa mga bata); mga problema sa memorya o konsentrasyon; o pagtunog sa iyong mga tainga. Ang mga higit na madalang, ngunit matinding epekto ay may kasamang: isang reaksyong alerdyi - pamamantal o pangangati ng balat; pagkahilo, hirap huminga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; mabilis, kumakabog, o hindi pantay na tibok ng puso; pagkalito, mga halusinasyon, hindi pangkaraniwang pag-iisip o gawi; matinding pagkahilo, pagkabalisa, walang kapahingan, o pagkakaba; matinding sakit ng ulo, malabong paningin, hirap sa konsentrasyon, sakit ng dibdib, pamamanhid, seizure; pagkalito, mga halusinasyon, hind pangkaraniwang pag-iisip o gawi; madaling pagpapasa o pagdurugo; hindi pangkaraniwang panghihina, lagnat, ginaw, pananakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; o pag-ihi ng mas kaunti kaysa kadalasan o wala talaga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: glawkoma, pang-ihing retensyon, matinding altapresyon, matinding sakit sa puso o ugat tulad ng coronary artery disease, sakit sa atay, sakit sa bato, o hyperthyroidism. Dahil ang gamot na ito ay pwedeng magdulot ng pagkahilo, pagkaantok, at mga problema sa paningin, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...