Lotensin HCT

Novartis | Lotensin HCT (Medication)

Desc:

Lotensin HCT/benazepril HCl. Ang benazepril ay isang angiotensin converting enzyme na nagpapababa sa presyon ng dugo at nagpapaginhawa rin ng mga sintomas ng retensyon ng tubig. Ang hydrochlorothiazide ay isang diyuretikong thiazide na tumutulong sa pagpipigil ng retensyon ng tubig. Ang kombinasyon ng gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang altapresyon (mataas na presyon ng dugo). Ang Lotensin HCT ay niriresetang gamot lamang at dapat na inumin gamit ang bibig, ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ang pag-inom ng walang abiso ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang mga pinakakaraniwang pwedeng isanhi ng Lotensin HCT ay: ubo, sakit ng ulo, pagod na pakiramdam, malabong paningin, pagtatae, konstipasyon, pag-iiba ng tiyan, malumanay na pamamantal, o dumaming pagpapawis. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na seryosong masamang reaksyon ay may kasamang: mabagal na tibok ng puso, mahinang pulso, panghihina ng kalamnan, pangingilabot na pakiramdam; pagkalito, hindi pantay na tibok ng puso, matinding pagkauhaw, dumaming ihi, hindi kaginhawahan ng binti, panghihina ng kalamnan o panlalata; tuyong bibig, pagkauhaw, pagduduwal, pagsusuka; pakiramdam na mahina, antok, walang kapahingahan, o hilo; pula, namamaltos, namamalat na pamamantal; paninilaw (paninilaw ng balat o mga mata); pag-ihi ng mas kaunti sa kadalasan o wala talaga; pamamaga, pagdagdag ng timbang, pagkakapos ng hininga; o lagnat, ginaw, mga pananakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso. Kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga ito, humingin ng agarang tulong medikal. Ang alerdyi ay madalang, ngunit kung ang mga sumusunod ay mangyari, kumuha ng alagang medikal: pamamantal, pangangati, hirap sa paghina, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, o nasa dyalisis, sakit sa atay, glawkoma, kondyestib na pagpapalya ng puso, lupus, o dyabetis. Dahil ang Lotensin HCT ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».