Loteprednol - ophthalmic suspension

Bausch & Lomb | Loteprednol - ophthalmic suspension (Medication)

Desc:

Ang Loteprednol ay nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na mga kortikosteroyd. Pinipigilan nito ang paglabas ng mga substansya sa katawan na nagsasanhi ng implamasyon. Ang Loteprednol ophthalmic (para sa mata) ay ginagamit upang gamutin ang pamamaga ng mata na sanhi ng operasyon, impeksyon, mga alerhiya, at ibang mga kondisyon. Kung ikaw ay nagsusuot ng mga lenteng kontak, tanungin ang iyong doktor kung dapat mo bang suutin ang mga ito habang naggagamot ng gamot na ito. Hindi ka dapat magsuot ng lenteng kontak kung ang iyong mga mata ay pula. Linisin ang mga lenteng kontak ayon sa direksyon ng gumawa nito, at ipasuri sa iyong doktor bago gamiting muli. Kung pinayagan ng iyong doktor ang pagsusuot ng mga lenteng kontak habang gumagamit ng gamot na ito, alisin ang mga ito bago gamitin ang mga pamatak sa mata. Ang preserbatibo ng produktong ito ay maaaring masipsip ng mga lenteng kontak. Maghintay ng 10 hanggang 15 minuto man lamang pagkatapos ng bawat dosis ng pamatak sa mata bago mo muling suutin ang iyong mga lente. Sa paglalagay ng mga pamatak sa mata, hugasan muna ang iyong mga kamay. ...


Side Effect:

Kumuha ng emerhensiyang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdying ito: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Ihinto ang paggamit ng Loteprednol at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinamnsa mga seryosong epektong ito: mga senyales ng bagong impeksyon sa mata tulad ng pamamaga, pamumula, iritasyon, o pagtagas; mga problema sa iyong paningin, o matinding sakit, pagsusunod o pagkiro kapag gumamit ng mga pamatak sa mata. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring may kasamang: menor na pagsusunog kapag gumagamit ng mga pamatak sa mata; tuyo, pula, makati, o matubig na mga mata; pakiramdam na parang may bagay sa iyong mata; pagiging higit na sensitibo sa liwanag; sakit ng ulo; o makating ilong, pamamaga ng lalamunan. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Loteprednol, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng mga impeksyon sa mata, katarata, glawkoma (open-angle na uri), matinding nearsightedness (myopia). Pagkatapos maglagay ng gamot na ito, ang iyong paningin ay maaaring maging pansamantalang malabo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Kung ikaw ay magkaroon ng bagong impeksyon sa mata o pinsala, o mangailangan ng operasyon sa mata, tanungin ang iyong doktor kung dapat mong ipagpatuloy ang iyong ginagamit na bote ng pamatak sa mata ng loteprednol o magsimula ng bagong bote. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».