Lotrisone
Schering-Plough | Lotrisone (Medication)
Desc:
Ang Lotrisone ay kombinasyon ng betamethasone at clotrimazole topical at ito ay ginagamit laban sa fungal infection tulad ng alipunga, hadhad, at buni. Ang Bethamethasone ay isang topical steroid na nagpapababa sa pangangati, pamumula, at pamamaga ng balat. Ang Clotrimazole naman ay isang anti-fungal antibiotic na ginagamit para pigilan ang impeksyon na dulot ng fungus. ...
Side Effect:
Itigil kaagad ang paggamit ng Lotrisone at ipaalam sa doktor kung ikay ay makakaranas ng kahit anong sintomas na nasisipsip ng iyong balat o gilagid ang betamethasone topical: pamamaga, pamumula o sintomas ng panibagong impeksiyon. Matinding pananakit ng balat na pinaglagyan ng gamot, pagbigat ng timbang, pagbilog ng mukha, matinding pagka-uhaw o pagkagutom, pag-ihi ng madalas sa normal, pagkabalisa, depresyon. Ang mga sumusunod ay hindi malubhang side-effect: hindi malubhang pangngati o iritasyon, panunuyo ng balat, pagbabago sa kulay ng balat, pagdami ng acne, pagkakaroon ng peklat o paninipis ng balat. Humanap kaagad ng agarang atensyong medikal kung makakaranas matinding allergic reaction na may kaakibat na pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo at hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Lotrisone, ipaalam sa doktor kung mayroon kang allergy sa kahit na anong gamot o kaya ay kung meron kang kahit na anong uri ng impeksyon sa balat. Maaaring hindi mo pwedeng gamitin ang gamot na ito o kaya ay babaguhin ang dosage na may kaakibat na pagsusuri habang ikaw ay ginagamot. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...