Lubiprostone
Takeda Pharmaceutical Company | Lubiprostone (Medication)
Desc:
Ang lubiprostone ay ginagamit para maibsan ang sakit sa tiyan, pamamaga, at pagpipilit; tumutulong din para mapadalas at mapalambot ang pagdumi ng mga taong may chronic idiopathic constipation (hirap o hindi madalas na pagdumi na maaaring tumagal ng tatlong buwan o mas mahaba pa na hindi sanhi ng kahit na anong sakit o gamot). Ang Lubiprostone ay ginagamit din para sa irritable bowel syndrome na may kasamang konstipasyon sa mga babae na may edad na hindi bababa sa 18 taong gulang. Ang Lubiprostone ay napapabilang sa klase ng mga gamot na tinatawag na laxatives. Pinapadami nito ang antas ng tubig na dumadaloy sa bituka na nagdudulot ng maayos na pagdumi. ...
Side Effect:
Naiibsan ang pagduduwal kapag ang lubiprostone ay ginamit kasama ng pagkain. Ang iba pa nitong side-effect ay: pananakit ng ulo, madalas na pagdumi, hindi makontrol na pagdumi, pag-utot, pagbaba ng ganang kumain at pamamantal. Ang ibang mga pasyente ay naiulat na nakaranas ng hirap sa paghinga. Ang pinaka madalas na side-effect ng lubiprostone ay pagduduwal at pagtatae. Maaari din makaranas ng malubhang allergic reaction. ...
Precaution:
Hindi pa napagaalaman kung ang lubiprostone ay nailalabas kasama ng gatas ng tao. Ang paggamit ng lubiprostone sa mga buntis ay hindi pa nasuri ng husto. Walang napagalaman na interaksyon ang lubiprostone sa ibang mga gamot. Ang lubiprostone ay nagdudulot ng pagdami ng tubig sa loob ng bituka. Ang nadagdag na tubig ay nagpapalambot ng tae at maaaring mapabilis ang pagdumi. ...