Amoxil
GlaxoSmithKline | Amoxil (Medication)
Desc:
Ang Amoxil/amoxicillin ay kasama sa isang klase ng antibiyutiko na tinatawag ng penisilin. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng paglaban sa mga bakterya ng iyong katawan. Ang Amoxil ay ginagamit upang gamutin ang maraming iba-ibang uri ng mga uri ng inpeksyong sanhi ng bakterya, tulad ng inpeksyon sa tainga, inpeksyon sa pantog, pulmonya, gonoreya, at E. coli o salmonella na inpeksyon. Ang Amoxil ay niriresetang gamot lamang. Iniinom gamit ng bibig, mayroon o walang pagkain, ayon sa dinirekta ng iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan. Huwag tataasan ang dosis ng walang pagpayag ng iyong doktor. Ang alak ay pinagbabawal. ...
Side Effect:
Ang mga epekto ay pwedeng magbago mula sa malumanay hanggang seryoso sa bawat tao. Ang pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan; pangangati ng ari ng babae o diskarga; sakit ng ulo; namaga, itim, o mabuhok na dila; o trus ay pwedeng mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor. Ang mas seryosong epekto, na nangangailangan ng agarang tulong medikal ay may kasamang: matinding reaksyong alerdyi – pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan; lagnat, pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulong may kasamang pamamaltos, pagbabalat, at mapulang pamamantal; pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalang ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, duming kulay putik, paninilaw; matubig o madugong pagtatae; lagnat, ginaw, sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihina; pag-ihi ng mas kaunti kaysa sa kadalasan o wala talaga; agitasyon, pagkalito, hindi pangkaraniwang kaisipan o asal; o sumpong. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Amoxil, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang sa Amoxicillin, o kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng mga alerhiya. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at pati na rin ang iyong kasaysayang medikal, o kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: hika; sakit sa atay; sakit sa bato; mononucleosis; kasayasayan ng pagtataeng sanhi ng pag-inom ng mga antibiyutiko; o mga karamdamang pagdurugo o pamumuo ng dugo. Talakayin kasama ng iyong doktor ang tungkol sa panganib habang ginagamit ang Amoxil habang buntis o nagpapasuso. Ang antibiyutikong ito ay pwedeng gawin hindi masyadong epektibo ang mga tabletang pangontrol ng pagpaparami, kaya naman mas mag-ingat. ...