Lyme disease vaccine - intramuscular
Unknown / Multiple | Lyme disease vaccine - intramuscular (Medication)
Desc:
Ang gamot na ito ay bakuna laban sa sakit na Lyme Disease. Hindi ito gamot para tratuhin ang lyme disease. Ang ikalawa at ikatlong dosage ng gamot na ito ay kailangan ibigay mga ilang linggo bago magtungo sa mga lugar na may mga garapata na may lyme disease. Kailangan ang lahat ng tatlong doses para sa kabuuang proteksyon. ...
Side Effect:
Maaaring magdulot ng allergic reaction: pamamantal, pangangati, pamamaga, pagkahilo, hirap sa paghinga. Hindi karaniwan pero ipag-alam agad kung makakaranas ng mga sumusunod: malubhang sakit ng ulo, panghihina ng kalamnan, pangingilo ng kalamnan sa kamay, paa at mukha. Maaaring makaranas ng sakit o pamumula sa kalamnan o kasukasuan sa lugar kung saan itinusok ang bakuna. Ipaalam agad sa iyong doktor kung patuloy na nakakaranas ng sintomas o kaya ay paglala ng sintomas. Hindi karaniwan, pero ipaaalam kung nakakaranas ng sintomas tulad ng trangkaso, lagnat at pamamantal. Kung makaranas ng sintomas na hindi nabanggit, ipaalam agad sa iyong doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Sabihan ang doktor kung lumiban ka ng dosage ng bakuna. Ang gamot na ito ay ginagamit lang sa pagbubuntis kung talagang kinakailangan. Ipaalam sa uyong doktor kung meron kang allergies, problema sa pagdudugo, nakaraang kaso ng lyme disease, arthritis, mahinang resistensiya, sakit sa puso, o kakagaling lang sa sakit. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...