Macrodantin

Pfizer | Macrodantin (Medication)

Desc:

Ang Macrodantin/nitrofurantoin ay isang antibiotic na nakikipaglaban sa bakterya sa loob ng katawan. Ang Nitrofurantoin ay

ginagamit upang gamutin ang mga impeksyon sa daluyan ng ihi.

Maaaring inumin ang Macrodantin nang kumain na o hindi pa nakakain pa. Ang paginom nito ng nakakain na ay nagdaragdagan ng pagsipsip nito sa katawan. Ang suspensyon ay maaaring ihalo sa tubig, gatas, dyus, o pormula ng sanggol. Ginagamit din ito minsan sa isang araw (o sa ilang mga bata, dalawang beses kada araw) upang maiwasan ang mga impeksyon sa daluyan ng ihi. Hindi ito dapat gamitin ng mga taong may sakit o mahinang bato. ...


Side Effect:

Ang karaniwang epekto nito ay kinabibilangan ng pagsakit ng ulo, pantal sa balat, pangangati, pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng gana sa pagkain, pagtatae, at pagsakit ng tiyan. Ang macrocrystalline na itsura (Macrodantin) ay nagpapakita na kaunting pagsama ng tiyan. ang pagkasama ng tiyan ay maaaaring bumaba sa pamamagitan ng paginom ng mababang dosis o paginom ng nitrofurantoin ng may pagkain o gatas.

Ang Macrodantin ay maaaring maging dahilan ng seryosong pagkasira ng baga. Ang reaksyon ng gamot ay mararamdaman sa loob ng ilang oras mula sa pagumpisa ng paggagamot kung ang pasyente ay nakatanggap na ng nitro furantoin o sa loob ng ilang araw ng paguumpisa ng nitrofurantoin sa unang pagkakataon.

Ang mga sintomas nito ay hirap sa paghinga, panginginig, lagnat, pagsakit ng dibdib, at ubo. Sa ibang tao, pinsala sa baga ay maaaring mangyari pagkatapos ng ilang buwan na paggagamot. Ang mga sinomas nito ay hirap sa paghinga, mabilis na paghinga, at ubo. Sa kabutihang-palad, ang sintomas ay madalas nareresolba sa loob ng isang linggo kung naihinto na ang paggagamot. At sa iba pang mga tao, ang pinsala sa baga ay hindi mabubuo ng hanggang ilang buwan o taon pa matapos ang terapiyutika. Maliban lamang kung ito ay napansin at nagamot, sa hindi pagbigyang pansin sa pinsala sa baga ay magiging resulta ng permanenteng pinsala sa baga at ito ay mananatili kahit na tinapos ang paginom ng gamot.

Ang kondisyon na mas kilala sa paligid ng nyuropati (pagkasira ng sensor ng ugat ng mga kamay at mga paa), ay maaaring mangyari kasama ng nitrofurantoin terapiyutika, pinaka-karaniwang nagiging sanhi ng pangingilabot sa mga paa't kamay. Ang kalagayan ay maaaring lumubha at mas malamang na maganap sa mga pasyente na may dayabetes melitus, kakulangan sa bitamina B, o pangkalahatang pagkahina. ...


Precaution:

Bago inumin ang Macrodantin, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang alerhiya, sakit sa bato, anemia, diabetes, di balanseng elektrolayt o kakulangan sa bitamina B, kakulangan ng genetic ensaym, o anumang uri ng nakakapanghinang sakit.

Inumin ang Macrodantin ng may pagkain. Iwasang uminom ng antasid ng walang abiso ng iyong doktor. Gamitin lamang ang mga klase ng antasid na rekomendado ng iyong doktor. Ang ibang antasid ay nagpapahirap sa iyong katawan upang sipsipin ang nitrofurantoin. Gamitin itong gamot na ito sa nirestang buong haba ng oras. Ang iyong sintomas ay maaaring magbago bago pa ang impeksyon ay makitang malinaw na. Ang Macrodantin ay hindi nagagamot ang viral impeksyon na katulad ng karaniwang sipon o trangkaso. Itigil ang paginom ng gamot at tawagan ang iyong doktor kung magkaroon ng biglaan pananakit ng dibdib, tuyong ubo, o hirap sa paghinga.

Sa tuwing pagbubuntis o pagpapasuso ng bata ay hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito na walang pahintulot ng iyong doktor.

...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».