Amphetamine and dextroamphetamine
Barr | Amphetamine and dextroamphetamine (Medication)
Desc:
Ang Amphetamine at Dextroamphetamine ay isang gamot na pampasigla ng central nervous system na binubuo ng utak at kordon ng gulugod. Ito ay nakakaapekto sa mga kemikal na nagdudulot ng sobrang aktibidad at pag-kontrol ng sigla sa utak at mga ugat. Ang Amphetamine at Dextroamphetamine ay ginagamit upang gamutin ang narcolepsy, karamdamn na nagdudulot ng labis na antok at attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), isang kundisyon na nagdudulot ng labis na pagkabalisa o kawalan ng kakayahang mag-pokus ng isang indibidwal. Ang Amphetamines ay nagpapasigla ng utak sa pamamagitan ng pagpaparami ng bilang ng neurotransmitters (kemikal na gawa ng mga ugat na inilalabas upang kumapit sa kalapit na mga ugat bilang isang paraan komunikasyon sa pagitan ng mga ugat), dopamine and norepinephrine, sa utak. Subalit ang eksaktong epekto nito sa ADHD ay hindi pa natutuklasan. ...
Side Effect:
Kasama sa mga epekto ng Amphetamines ay ang labis na sigla sa nervous system na nagdudulot ng kaba, pagkabalisa, kasabikan, pagkahilo, sakit ng ulo, hirap sa pagtulog, takot, pag-aalala, panginginig, at maging pagkakaroon ng guni-guni o halusinasyon at kombulsyon (seizures). Maaaring tumaas ang presyon ng dugo at bumilis ang pag tibok ng puso, maaaring makaramdam din ang pasyente ng pagkaba ng dibdib. Maari din itong magdulot ng biglaang pagkamatay, atake sa utak, atake sa puso, pagkalumbay, pagbabago ng ugali, pagiging agresibo o pagkagalit, sakit sa pag-iisip, pagbagal sa paglaki (kapag ginamit sa pangmatagalang gamutan), pagkasanay o makagawiang pag-asa sa gamot, at sintomas ng withdrawal (mga sintomas na nararanasan kapag humihinto sa pag-inom ng gamot na nakasanayan, tulad ng panginginig, pagkahilo, at iba pa). ...
Precaution:
Huwag uminom ng gamot na ito kung gumamit ka ng isang Monoamine Oxidase (MAO) inhibitor tulad ng isocarboxazid (Marplan), tranylcypromine (Parnate), phenelzine (Nardil), rasagiline (Azilect), o selegiline (Eldepryl, Emsam) sa loob ng nakaraang 14 na araw dahil maari itong mauwi sa seryosong epekto, at mapanganib na banta sa buhay. Huwag gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay mayroong allergy o alerhiya sa amphetamine at dextroamphetamine, o kung may nanigas na mga ugat (arteriosclerosis), sakit sa puso, katamtaman hanggang sa matinding pagtaas ng presyon ng dugo (hypertension), sobrang aktibong thyroid , glaucoma, matinding pag-aalala o pagkabalisa, o dating nalulong sa gamot o alkohol. Ang ilang mga gamot pampasigla ay naging sanhi ng biglaang pagkamatay ng mga bata at kabataan na may malubhang problema sa puso o ipinanganak na may problema na sa puso. Bago kumuha ng amphetamine at dextroamphetamine, sabihin sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga problema sa puso. Ang pangmatagalang paggamit ng amphetamine at dextroamphetamine ay maaaring makapagpabagal ng paglaki ng isang bata. Kumonsulta at sabihin sa iyong doktor kung ang bata na gumagamit ng gamot na ito ay hindi lumalaki o hindi tumaba nang maayos. Ang Amphetamine at dextroamphetamine ay gamot na maaaring maabuso at makagawian o pagkalulong, kaya subaybayang maigi ang dami ng gamot na ginamit mula sa bawat bagong bote. ...