Ovide
Taro Pharmaceeuticals | Ovide (Medication)
Desc:
Ang Ovide/malation lotion ay ginagamit upang gamutin ang mga kuto sa mga matatanda at mga bata edad 6 pataas. Hindi ito maaaring gamitin sa mga sanggol o mga batang edad 2. Ang gamot na ito ay isang uri ng gamot na kung tawagin ay pediculicides na tumutulong sa pagpuksa sa mga lisa. Alamin ang paraan ng paggamit ayun sa mga nakalahad sa tagabilin sa laybel ng produkto. Ang gamot na ito ay ginagamit lamang sa buhok at anit. Huwag lulunukin at huwag hahayaang madampian ang mata, ilong, bibig o ari. Ingatan ang mga mata habang nilalapat ang gamot sa pamamagitan ng paggamit ng tela o tuwalya na magtatakip sa mga ito. Kung aksidenteng malagyan ang mga mata, agad na banlawan ng tubig upang maiwasan ang pagkairita ng mga ito. ...
Side Effect:
Ang Ovide ay maaaring magdulot ng mga epekto tulad ng pagkairita at pananakit ng anit o balat. Kung ang mga sintomas na ito ay lumala o hindi nawawala, agad na ipagbigay alam sa iyong doktor. May ilan ding malalang epekto ang gamot na ito tulad matinding allergic reactions (pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pamamaga ng bibig, labi, mukha o dila) at paghapdi ng balat o anit. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor o parmasyutiko ang ilang uri ng alerdyi na tinataglay, kung may ginagamit na ibang de-reseta o hindi niresetang gamot, bitamina, nutritional supplements o mga herbal na produkto na iyong iniinom o balak inumin. Ipagbigay alam din sa iyong doktor kung ikaw ay may mga medikal na kundisyon o may mga problema sa balat. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis o nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...