Maxolon
GlaxoSmithKline | Maxolon (Medication)
Desc:
Ang Maxolon injection ay mayroong aktibong sangkap na metoclopramide hydrochloride, kasama ito sa klase ng gamot na tinatawag na dopamine antagonists. Ginagamit itong gamot na ito para pagalingin ang mga klase ng sakit sa tiyan at bituka tulad ng heartburn na umaatake pagkatapos kumain o tuwing umaga. Ginagamit din ito sa mga diabetic na pasyenteng nahihirapan sa pag tatangal ng laman ng tiyan, isang kondisyong tinatawag na Gastroparesis. Ang Metoclopramide ay pwede ding gamitin para maibalik ang normal na hulma ng muscle at ang gamit ng gut pagkatapos ng isang operasyon at iba pang mga sakit sa tiyan. Dapat inumin ang gamot na ito 30 minuto bago kumain at matulog, kadalasan apat na beses sa isang araw o eksakto sa payo ng doktor. ...
Side Effect:
Mas madalas, Ang Maxolon ay pwedeng maging sanhi ng pagkaantok, pagkahilo, pagkapagod, hirap sa pagtuloh , sakit ng ulo, at pagtatae. Kung alinman sa mga ito ang nagyayari o lumalala, tawagan ang iyong doktor. Bihira, pero malalang epekto nito ay ang mga sumusunod: pagbabago sa pagiisip o ugali kagaya ng pagkabalisa ,pagkalito, depresyon o naiisipang magpakamatay, bumababang hilig sa pagtatalik, hindi mapakali, pamamanhhid ng kalamnan, di mapigilang pag galaw ng kalamnan, madaming gatas, lumalaki o tumitigas na dibdib ng babae, pamamaga ng kamay o ng paa , pagbabago sa buwanang dalaw ng babae, hirap sa pagkilos, nangangalay na kalamnan, matinding pagpapawis, mabilis na tibok ng puso, o pagkalito. Kung napansin mo ang ano man sa mga ito, kumonsulta agad sa doktor. Ang reaksyon sa allergy ay minsan lang pero kung napansin mo ang alin man sa mga sumusunod, humingi agad ng atensyong medikal; pantal, pangangati , hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan , pamamaga ng labi, dila at mukha. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ay ipagbigay alam muna sa iyong doktor kung mayroon kang mga allergies, kung gumagamit o umiinom ng iba pang gamot at kung mayroon o nagkaroon ng kahit ano sa mga sumusunod na kondisyon; pagdurugo, pagbabara o butas sa bituka o tyan, cancer sa dede , diabetes, mataas na presyon ng dugo, sakit sa pantog, pagpalya ng puso, sakit sa utak o pabago bago pag iisip, depresyon o nakakaisip magpakamatay, Parkinsons disease, sakit sa bituka, pheochromocytoma, seizures dahil ang Maxolon ay maaring makapagdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmamaneho o gagamit ng mabibigat na makina kung hindi pa siguradong kayang gawin ng ligtas. Hindi ito nirerekomenda sa buntis o nagpapasuso kung walang payo ng doktor. ...