Maxzide
Mylan Laboratories | Maxzide (Medication)
Desc:
Ang Maxzide ay kombinasyon ng hydrochlorothiazide at triamterene na ginagamit para gamutin ang papanatili ng fluid (edema) at mataas na presyon ng dugo (hypertension). Ang Hydrochlorothiazide ay isang thiazide diuretic (water pill) tumutulong ito para maiwasan ng katawan ang pag tangap ng sobrang daming alat na nagiging dahilan ng fluid retention. Ang Triamterene ay isang potassium-sparring diuretic na tumulong magpigil ng pagkuha ng sobrang daming alat sa iyong katawan para masiguradong hindi masyadong mababa ang potassium ng iyong katawan. ...
Side Effect:
Epekto ng triamterene/hydrochlorothiazide ang pagsakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pantal, pagkahilo, pagtigas ng dumi, mababang presyon ng dugo, electrolyte disturbance (mataas na bilang ng potassium) ngalay ng muscle, maligalig, pancreatitis at jaundice. Ang Maxzide ay nakakapagpataas ng tamis sa dugo (glucose) at nakakapag palala ng diabetes. Ang mga pasyenteng may allergy sa sulfa na gamot ay maaring may allergy din sa hydrochlorothiazide dahil sa pagkakatulad ng kemikal na structure ng dalawang gamot. ...
Precaution:
indi ka dapat gumamit ng gamot na ito kung mayroon kang allergy sa hydrochlorothiazide or triamterene,o kung mayroon kang sakit sa pantog, problema sa pagihi, mataas na bilang ng pottasium sa dugo, o kung ikaw ay umiinom ng iba pang diuretics na katulad ng triamterene. Huwag gagamit ng potassium supplements kung hindi sinabi ng iyong doktor. Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa bituka o puso, glaucoma, diabetes, hirap sa paghinga, o allergy sa sulfa drugs o penicillin. Ang pag inom ng alak ay mas nakakapag pababa ng blood pressure at nakakapagpataas ng mga epekto ng hydrochlorothiazide or triamterene, Iwasan ang dyeta na may mataas na asin. Ang sobrang dami ng alat ay magdudulot ng pagpapanatili ng tubig sa iyong katawan at papababain nito ang pagiging epektibo ng gamot. Huwag gagamit ng Potassium supplements, mga pamalit alat, o low sodium na gatas habang gumagamit ka ng hydrochlorothiazide and triamterene maliban kung sinabi ng doktor. Iwasan ang sobrang mainitan o maubusan ng tubig kapag nag eehersisyo o nasa mainit na lugar. Sundin ang payo ng iyong doktor sa dami ng iinuming tubig. Sa ibang kaso, minsan nagiging mas delikado ang sobrang pag inom ng tubig kaysa sa kulang na pag inom nito. Kung nag gagamot ka para sa mataas na dugo, patuloy lang sa gamot nito kahit ayos ang iyong pakiramdam. Ang mataas na presyon ay kadalasang walang sintomas. Hindi ito inirerekomenda sa buntis o nagpapasuso ng walang payo ng doktor. ...