Ampicillin

Unknown / Multiple | Ampicillin (Medication)

Desc:

Ang Ampicillin ay isang antibiyutiko sa grupo ng penisilin na gamot. Nilalabanan nito ang mga bakterya sa iyong katawan. Ang Amoxicillin ay ginagamit upang gamutin ang maraming iba-ibang uri ng mga uri ng inpeksyong sanhi ng bakterya, tulad ng inpeksyon sa tainga, inpeksyon sa pantog, pulmonya, gonoreya, at E. coli o salmonella na inpeksyon. ...


Side Effect:

Kumuha ng emerhensyang tulong medikal kung ikaw ay may kahit anong mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal;hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay may seryosong epekto tulad ng: lagnat, pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang matinding pamamaltos, pamamalat, at pulang pamamantal; pagtatae na matubig o madugo; lagnat, ginaw, mga sakit ng katawan, mga sintomas ng trangkaso; madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihina, pag-ihi ng mas kaunti kaysa kadalasan o wala talaga; agitasyon, pagkalito, hindi pangkaraniwang pag-iisip o gawi; o mga sumpong (pagkahimatay o mga kombulsyon). Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay maaaring may kasamang: pagsusuka, sakit ng tiyan; pangangati ng ari ng babao o diskarga; sakit ng ilo; paga, itim, o mabuhok na dila; o trus (puting pitsa sa o sa loob ng iyong bibig o lalamunan). ...


Precaution:

Bago gamitin ang ampicillin, sabihin sa iyong doktor at parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa ampisilin, penisilin, o ibang kahit anong gamot. Ipaalam sa iyong doktor at parmaseutiko kung anong medikasyong may reseta at walang reseta ang iyong ginagamit, lalo ng ibang mga antibiyutiko, allopurinol, anticoagulants (‘pampalabnaw ng dugo’) tulad ng warfarin, atenolol, pambibig na kontraseptibo, probenecid (Benemid), rifampin, sulfasalazine, at mga bitamina. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng sakit sa bato o atay, mga alerhiya, hika, sakit ng dugo, kolaitis, mga problema sa iyong tiyan, o hay geve. Dapat na ipalam sa iyong doktor kung ikaw ay buntis, planong mabuntis, o nagpapasuso. Kung ikaw ay mabuntis habang gumagamit ng ampicillin, tawagan ang iyong doktor. Kung ikaw ay magkakaroon ng operasyon, kasama ng operasyong pangngipin, sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng ampicillin. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».