Med - Rx DM
Iopharm Laboratories | Med - Rx DM (Medication)
Desc:
Ang Med Rx-DM ay ang kombinasyon ng dextromethorphan, guaifenesin at pseudoephedrine ay ginagamit sa paggamot ng baradong ilong, sinus congestion, at ubo na sanhi ng alerhiya o sipon. Ang Guaifenesin ay expectorant. Ito ay nakakatulong sa pagpapaluwag ng masikip na dibdib at lalamunan, mapapadali ang pag ubo sa iyong bibig. Pseudoephedrine ay ang decongestant na nagpapaliit ng daluyan ng dugo sa daluyan ng ilong. ang paglaki ng daluyan ng dugo ay sanhi ng baradong ilong (stuffy nose). Dextromethorphan ay pumipigil sa ubo. ito ay nakakaapekto sa signal ng utak na nagpapalala sa reflex ng ubo. ...
Side Effect:
Mayroong mga ibang epekto na maaring mangyari matapos gumamit ng gamot na ito tulad ng: pagsusuka, pagsakit ng ulo, kawalan ng gana sa pagkain, pagkanerbyoso, o pagkahilo, o pantal. Kung ang mga ito ay umepekto o mas lumala, ipaalam kaagad sa iyong doktor o sa pharmacist. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon ng kahit na anong seryosong ibang epekto:Panlalabo ng paningin, hindi karaniwang pagbilis ng tibok ng puso, hirap sa pag ihi (sa lalaki lamang), hirap sa pagtulog. Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay nagkaroon sa kahit na aling ndi maganda ngunit seryosong ibang epekto: pananakit ng dibdib, hindi regular na pintig ng puso, kombulsyon, Humanap ng agarang atensyong medikal kung nakakaranas ng kahit anong sintomas ng seryosong reaksyon ng alerhiya kasama nang: pantal. pangangati/pamamanas (lalong lalo na sa muka/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Huwag magbibigay ng gamot na ito sa nga batang hindi bababa sa 4 na taon. Laging magtanong sa doktor bago magbigay ng gamot sa ubo at sipon ng bata. maaring ikamatay kung mali ang paggamit ng gamot para sa ubo at sipon ng mga bata. Huwag gamiting ang gamot sa ubo at sipon kung ikaw ay gumamit ng MAO inhibator sa nagdaang 14 na araw. Ang panganib ng gamot ay maaring mangyari, mapunta sa seryosong masamang epekto. Tanungin muna ang Doktor o pharmacist bago gumamit ng ibang gamot sa ubo at sipon, o gamot sa alerhiya. Ang Guaifenesin at pseudoephedrine ang naglalaman ng ibang kombinasyon ng gamot. Sa pag inom ng mga ibang produkto ng sabay ay maaring maging sanhi ng sobrang tiyak na gamot. Suriin ang label upang makita kung ang gamot ay naglalaman ng guaifenesin o pseudoephedrine. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...