Anadrol
Unimed Pharmaceuticals | Anadrol (Medication)
Desc:
Ang Anadrol ay ginagamit sa mga kondisyong tulad ng anemya na sanhi ng kulang na produksyong ng pulang selula ng dugo, nakuhang aplastik na anemya, kondyenital na anemya, myelofibrosis, at haypoplastik na anemya dahil sa mga myelotoxic na gamot. Ang medikasyong ito ay gawa ng taong panlalaking hormon (androgen o anabolik na isteroyd) upang gamutin ang mababang bilang ng pulang selula ng dugo (anemya). Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapataas sa dami ng hormon (erythropoietin) na kasama sa produksyon ng mga pulang selula ng dugo. Dahil sa panganib ng seryoso, nagbabanta sa buhay na mga epekto, ang medikasyong ito ay dapat na hindi gamitin upang pabutihin ang atletikong pagganap o panlabas na anyo. Ang Anadrol ay hindi nagpapaganda sa atletikong abilidad. Kapag ginamit ng ayon sa dinirekta sa ilalim ng medikal na paggabay, ang mga panganib ay kaunti lamang. ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang epektong tumatagal ay maaaring may kasamang: abnormal na pakiramdam ng balat; tigyawat; pagkabalisa; pagkakalbo; pagbabago sa kagustuhang pansekswal; pangkalahatang hindi kaginhawahan ng katawan; sakit ng ulo. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: (pamamantal; hirap sa paghinga; paninikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, mga labi, o dila); pagtubo ng suso; pagbabago sa regla; pagbabago sa kulay ng balat; panlalalim ng boses; madalas o tumatagal na ereksyon; pagkapaos; mga problema sa kalooban o pag-iisip; mas madaming buhok sa mukha; pagduduwal; bagong bukol o sakit; pamamaga ng mga braso o binti; hirap sa pagtulog; hirap sa pag-ihi; hindi pangkaraniwang pagpapasa o pagdurugo; pagsusuka; pagbigat; paninilaw ng balat o mga mata. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Anadrol, sabihin saiyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: kanser sa suso (lalaki), kanser sa suso na mayroong mataas na mga lebel ng kaltsyum (babae), kanser sa prosteyt, matinding sakit sa bato, matinding sakit sa atay. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: sakit sa bato, sakit sa atay, sakit sa puso (halimbawa kondyestib na pagpapalya ng puso, coronary artery na sakit), pamamaga (edema, retensyong tubig); lumaking prosteyt, dyabetis. Kung ikaw ay may dyabetis, ang oxymetholone ay maaaring magpataas sa iyong lebel ng asukal sa dugo. Suriin ang iyong lebel ng glukos sa dugo (o ihi) ng madalas, ayon sa dinirekta ng iyong doktor at maagap na iulat ang kahit anong abnormal na mga resulta. Ang mga gamot mo para sa dyabetis ay maaarng kailanganing ayusin. Ang pag-iingat ay inaabis para sa paggamit ng gamot na ito sa mga bata dahil sila ay maaaring mas sensitibo sa mga epekto. Ang medikasyong ito ay maaaring magpabagal sa paglaik ng mga batang may edad na mas mababa sa 18 taon. Ang pana-panahong mga x-ray ng buto ay maaaring kailanganin upang imonitor ang mga epekto ng gamot sa paglaki ng buto. Ang Anadrol rin ay maaaring makaapekto sa pansekswal na pagbuo sa mga bata. Komunsulta sa iyong doktor para sa mas maraming detalye. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...