Mesoridazine - oral

MGI Pharma, Inc. | Mesoridazine - oral (Medication)

Desc:

Ang gamot na ito ay dapat lamang gamitin kapag ang paggagamot kasama ang iba pang mga gamot ay pumalya. Ginagamit ang Mesoridazine upang gamutin ang mga sintomas ng schizophrenia at mabawasan ang kawalan ng kapahingahan, kabaga-baan, at mga tensyon. Ito rin ay maaaring makapag-pabawas ng sobrang pagka--aktibo at di-pagiging cooperative. Dapat ka lamang uminom ng mesoridazine kung ang iyong schizophrenia ay di tumugon sa ibang mga gamot. Ang Mesoridazine ay may kasamang tableta at likidong konsentrado upang inumin sa bunganga. Ito ay karaniwang dalawa o tatlong beses kada-araw. Ang likidong konsentrado ay dapat na tunawin bago gamitin. Ito ay may kasamang espesyal na may markang pampatak sa pagtantya ng dosis. Upang mahalo ang likidong konsentrado, idagdag ito sa tubig, orange juice, o grape juice bago ito inumin. Kung alinman sa mga juice ay napunta sa pampatak, hugasan ang pampatak ng tubig poso bago palitan ito sa bote. Huwag hayaang ang likidong konsentradon madampi sa iyong balat o damit; ito ay maaaring makairita ng iyong balat. ...


Side Effect:

Kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga sumusunod na seryosong mga epekto, itigil ang paggamit ng mesoridazine at humanap ng emerhensyang medikal na panggamot: reaksyong alerdyi (hirap sa paghinga; pagsara ng lalamunan; pamamaga ng labi, dila, o mukha; o mga pantal); di-kontroladong pag-galaw ng bunganga, dila, pisngi, panga, braso, o binti; lagnat; pagtigas ng mga kalamnan; pasma ng mga kalamnan sa mukha o leeg; pagpapawis; di-regular na pulso; mabilis o di-regular na pagtibok ng puso. Matinding kawalang pahingahan o panginginig; matinding pagka-antok; malabong paningin; pagkahilo o hinihimatay; pantal. Ibang, di-gaano kaseryosong mga epekto ay maaaring mas maganap. Ipagpatuloy ang pag-inom ng mesoridazine at makipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay nakararanas ng: panunuyo ng bibig o baradong ilong; konstipasyon; banayad ng kawalang pahingahan, pagka-antok, o panginginig; hirap sa pag-ihi o maitim na ihi; bumabang gana sa pakikipag-talik; tumaas na gana sa pag-kain; o di-regular na regla o namamagang suso. Mga epekto bukod sa mga nakalista sa itaas ay maaari ring mangyari. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang mga epekto na satingin mo’y di-karaniwan o naging nakakaabala na. ...


Precaution:

Huwag uminom ng mesoridazine kung ikaw ay mayroong anumang mga sumusunod na kondisyon o kasaysayan ng mga ganitong kondisyon: sakit sa puso; di-regular na tibok ng puso o kasaysayan ng mga di-regular na pagtibok ng puso; kasaysayan ng matagalang QT intervals; pamilyang kasaysayan ng congenital long QT syndrome; hypokalemia (mababang lebel ng potasa sa iyong dugo); mabagal na pagtibok ng puso na nangangailangan ng paggamot; o ibang mga pagtibok na problema. Ang mga kondisyong ito ay maaaring magpataas ng panganib ng di-regular na pagtibok ng puso, atake sa puso, at kamatayan habang umiinom ng mesoridazine. Huwag uminom ng mesoridazine kasama ang ibang mga gamot na maaaring makaapekto ng ritmo ng pagtibok ng puso tulad ng quinidine, procainamide, disopyramide, at iba pa. Mula sa anuman sa mga gamot na ito, ang mesoridazine ay maaaring magdulot ng di-regular na pagtibok ng puso na maaaring humantong sa kamatayan. Makipag-usap sa iyong doktor o parmasyutiko bago uminom ng anumang iba pang mga nireseta o over-the-counter na gamot. Tawagan ang iyong doktor kaagad kung ikaw ay mayroong di-kontroladong mga paggalwa sa bibig, dila, pisngi, panga, braso, o binti; lagnat; pagtigas ng mga kalamnan; pagpapawis; di-regular na pulso; o mabilis o di-regular na pagtibok ng puso. Gumamit ng pagiingat kapag nagmamaneho, pagpapatakbo ng makinarya, o pagsagawa ng iba pang mga mapanganib na aktibidad. Maaaring makapagpa hilo ang Mesoridazine o pagka-antok. Kung ikaw ay nakararanas ng pagkahilo o pagka-antok, iwasan ang mga aktibidad na ito. Pagkahilo ay maaaring mas malamang na mangyari kapag ikaw ay tumatayo mula sa pagkaupong posisyon o pagkahigang posisyon. Tumayo ng dahan-dahan upang maiwasan ang pagka-hilo at posibleng pagbagsak. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».