Methadose

M. Richard Laboratories | Methadose (Medication)

Desc:

Ang Methadose/Methadone ay ginagamit upang gamutin ang mga moderato hanggang sa matinding sakit. Ito ay isang narkotikong (uring-opiate) gamot. Ito ay gumagana sa mga tiyak na gitna ng utak upang maibsan ang pananakit. Ginagamit rin ang gamot na ito sa adiksyon sa mga gamot na narkotiko (tulad ng heroin) bilang parte ng aprubadong programa sa paggamot. Ito ay nakatutulong sa pagiwas ng mga sintomas ng withdrawal na sanhi ng pagpapahinti sa ibang mga narkotikong uri ng opiate. Inumin ang gamot na ito sa bibig mayroon may o walang pagkain tulad ng itinuro sa iyo ng iyong doktor. Kung ikaw ay mayroong pagduduwal, ito ay maaaring makatulong na inumin ang gamot na ito ng may pagkain. Kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa ibang mga paraan upang mabawasan ang pagduduwal (tulad nang pag-inom ng antihistamines, paghiga nang 1 hanggang 2 oras nang may kakaunting paggalaw ng ulo hanggat maaari). Kung ikaw ay gumagamit ng porma ng likido nitong gamot, maingat na sukatin ang dosis sa pamamagitan ng paggamiit ng espesyal na panukat/kutsara. Huwag gumammit ng pambahay na kutsara dahil maaaring di mo makuha ang tamang dosis. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. ...


Side Effect:

Pagduduwal, pagsusuka, konstipasyon, pakiramdam ng hihimatayin, pagkahilo, panunuyo ng bibig, pagka-antok, kabaga-bagan ng sikmura, at pagdami ng pagpapawis ay maaaring maganap. Kung alinman sa mga epektong ito ay nagpatuloy o lumala, kaagad na ipaalam ito sa iyong doktor o parmasyutiko. Upang maiwasan ang konstipasyon, panatilihin ang diyeta nang may sapat na fiber, uminom ng madaming tubig, at ehersisyo. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko para sa tulong sa pag-pili ng gamot na panunaw (tulad ng stimulant type nag may pampalambot ng dumi). Sabihin kaagad sa iyongc doktor kung alinman sa mga ito ay malang ngunit seryosong mga epekto ang naganap: mga pagbabago sa kaisipan/kalagayan (tulad ng pagkainis, tuliro, mga halusinasyon), hirap na makaihi, mga pagbabago sa paningin. Kaagad na ipaalam sa iyong doktor kung alinman sa mga ito ay bibihira ngunit mga seryosong mga epekto ang naganap: matinding sakit sa tyan/sikmura, pagbabago sa dami ng ihi, mga pag-atake. Humanap ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay nakararanas ng anuman sa mga sintomas ng mga seryosong reaksyong alerdyi na maaaring kasama: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago uminom ng methadone, ipagbigay-alam muna sa iyong tagapag-bigay ng pangangalaga sa kalusugan kung ikaw ay mayroong kahit anumang mga alerhiya o kung ikaw ay mayroong tiyak na kondisyong medikal tulad ng: tiyak na mga sakit sa bituka (paralytic ileus, infectious diarrhea). Bago gamitin ang gamot na ito, sanihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ng: sakit sa atay, sakit sa kidney, mga sakit sa baga (tulad ng asthma, chronic obstructive pulmonary disease-COPD), mga problema sa paghinga (tulad ng mabagal/mababaw na paghinga, sleep apnea), isang tiyak na problema sa spinal (kyphoscoliosis), personal o pamilyang kasaysayan ng regular na paggamit/abuso ng droga/alkohol, mga karamdaman sa utak (tulad ng mga atake, head injury, tumor, tumaas na intracranial na presyon), hindi-aktibong teroydeo (hypothyroidism), hirap sa pag-ihi (halimbawa, dahil sa lumaking prosteyt o sumikip na daanan ng ihi), problema sa adrenal na glandula (tulad ng sakit na Addison's), mga karamdaman sa isip/kalagayan (tulad ng toxic psychosis), mga sakit sa bituka (tulad ng kolitis), sakit sa pancreas (tulad ng pancreatitis), sakit sa pantog. Maaaring magdulot ang Methadose ng kondisyon na nakakaapekto sa ritmo ng puso (QT prolongation). QT prolongation ay di-kadalasang magreresulta sa seryosong (bibihirang kamatayab) mabilis/dir-regular na pagtibok at iba pang mga sintomas (tulad ng matinding pagkahilo, hinihimatay) na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Ang peligro ng QT prolongation ay maaaring tumaas kung ikaw ay mayroong tiyak na kondisyong medikal o umiinom ng ibang gamot na maaaring makaapekto sa ritmo ng iyong puso. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gumamit ng Methadose nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».