Methazolamide - oral

Ercole Biotech | Methazolamide - oral (Medication)

Desc:

Ang Methazolamide ay kabilang sa klase ng droga na tinatawag na ‘carbonic anhydrase inhibitors’. Ginagamit ang gamot na ito ng mag-isa o kombinasyon kasama ng iba pang gamot upang panggamot sa mataas na presyon sa loob ng mata na dulot ng tiyak na mga uri ng glawkoma. Ang Methazolamide ay nireresetang gamot lamang at dapat na inumin sa bibig, kadalasan 2 o 3 beses sa isang araw o tulad ng itinuro sa iyo ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggagamot. Huwag taasan ang dosis o dalas ng pag-inom ng walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang pinaka-karaniwang mga epekto na dulog ng Methazolamide ay: pagduduwal, kawalan ng gana kumain, pagbabago ng lasa, pagsusuka, pagtatae, palagiang pagkahilo, pagkaantok, o kapaguran. Kung alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Maraming bibihira, ngunit seryosong mga salungat na reaksyon ang kasama: dugo sa ihi, pamamanhid o tingling ng mga kamay o paa, sobrang sakit sa pag-ihi, tumutunog sa tainga, biglaang pagbaba ng dami ng ihi, pagkatuliro, madaling pagdurugo at magkapasa, mabilis o bugso ng tibok ng puso, tuluy-tuloy na pagduduwal o pagsusuka, mga senyales ng impeksyon, tulad ng lagnat at tuluy-tuloy na sakit ng lalamunan, atake, sakit sa tyan, maitim na ihi, paninilaw ng mata at balat. Kung ikaw ay nakakapansin ng alinman sa mga ito humanap ng agarang tulong pang-medikal. Bibihira ang alerdyi, ngunit kumuha ng agarang medikal na pangangalaga kung sakali mang makapansin ng alinman sa mga sumusunod na mga sintomas: pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pantal. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na aito ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang uri ng mga alerhiya. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang mga gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng anuman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit na Addison's, matinding sakit sa kidney, matinding sakit sa atay, di-nagamot na di-balanseng mineral, mga problema sa paghinga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease-COPD, emphysema, o impeksyon sa baga, dyabetis, gout, mga problema sa kidney, hyperthyroidism. Dahil ang Methazolamide ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagka-antok, huwag magmaneho at gumamit ng mabigat na makinarya hanggang sa ikaw ay makasiguradong kaya itong isagawa ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».