Methsuximide - oral

Pharmacia Limited | Methsuximide - oral (Medication)

Desc:

Ang Methsuximide ay kabilang sa pangkat ng mga gamot na tinatawag na anticonvulsants. Ginagamit ng mag-isa o kasama ang iba pang mga panggamot upang iwasan at makontrol ang tiyak na uri ng atake na tinatawag na absence o petit mal seizure, na hindi nagagamot kasama ng ibang mga panggamot. Ang gamot na ito ay nirereseta lamang at dapat na iniinom sa bibig mayroon o wala mang pagkain, kadalasan isa o dalawang beses araw-araw o tulad ng itinuro sa iyo ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at tugon ng katawan sa paggagamot. Huwag taaasan o babaan ang dosis o dalas nang walang payo mula sa iyong doktor. ...


Side Effect:

Sa mga kinakailangan mga epekto nito, maaaring magdulot ang Methsuximide ng matinding mga epekto tulad ng: reaksyong alerdyi – pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; di-karaniwan o biglaang mga pagbabago sa iyong kalagayan, iniisip, o pagkilos kasama na ang mga senyales ng depresyon, mga kaisipan sa pagpapatiwakal o sinubukan, kaisipan tungkol sa pananakit sa sarili; mga senyales ng impeksyon tulad ng lagnat, tuluy-tuloy na sakit sa lalamunan, pananakit ng mga namamagang kasu-kasuan, pantal sa ilong at pisngi, matinding kapaguran, madaling magkapasa o pagdurugo, o mabilis na paghinga. Kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga ito humanap ng agarang tulong pangmedikal. Maraming mga karaniwan at di-gaano kaseyosong mga epekto ang kasama sa mga sumusunod na mga sintomas: pagkaantok, pagkahilo, pananakit sa tiyan o sikmura, kawalan ng gana kumain, pagduduwal, pagsusuka, kawalan ng timbang, pagtatae, sakit ng ulo, o kawalan ng koordinasyon. Kung alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang uri ng mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na mga kondisyon: anumang mga karamdaman sa pag-iisip, sakit sa kidney o atay. Dahil ang Methsuximide ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang ikaw ay makasigurong kaya itong isagawa ng ligtas. Limitahan na rin ang pag-inom ng mga inuming nakalalasing. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».