Methylnaltrexone Injection
Pfizer | Methylnaltrexone Injection (Medication)
Desc:
Ang Methylnaltrexone bromide ay nakatala para sa paggamot ng opioid-induced na konstipasyon sa mga pasyente na mayroong mas malubhang karamdaman na nakakatanggap ng maingat na pangangalaga, kapag tumugon sa laxative na terapya ay hindi naging sapat. Ibinibigay ang Methylnaltrexone bromide bilang tinuturok sa balat. Ang karaniwang iskedyul ay isang dosis kada ibang araw, kung kinakailangan, ngunit wala nang mas dadalas pa sa isang dosis sa loob ng 24-oras. ...
Side Effect:
Kaagad na tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay nakapapansin ng alinman sa mga epektong it: madugo, itim, o maitim na dumi; mataas na pagpapawis; matinding pagtatae; matinding sakit sa tiyan; pagsusuka na kulay kape (matindi at nagpapatuloy). Kung ikaw ay nakakapansin nitong mga di-gaano kaseryosong mga epekto, kausapin ang iyong doktor: pagkahilo; pagduduwal, gas, o banayad na pananakit ng tiyan. Humanap ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay nakakapansin ng alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pangangati o pantal, pamamaga ng iyong muka o kamay, pamamaga o tingling sa iyong bibig o lalamunan, paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Sa paggamit ng gamot na ito abisuhan ang iyong tagapagbigay ng pangangalaga sa kalusugan kung ikaw ay mayroong alinmang mga uri ng alerhiya o kung ikaw ay mayroong pagbara sa iyong tiyan o bituka. Pag-usapan ito kasam ng iyong doktor kung ikaw ay mayroong alinman sa mga kondisyong ito: kanser; ulser sa tiyan; o kolitis o iba pang mga karamdaman sa bituka. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...