Anakinra

Amgen | Anakinra (Medication)

Desc:

Ang Anakinra ay ginagamit, ng mag-isa lamang o sa kombinasyong kasama ng ibang mga medikasyon, upang bawasan ang sakit at pamamagang kaugnay ng rayuma. Ang Anakinra ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na interleukin antagonists. Ito ay gumagawa sa pamamagitang ng pagharang sa mga gawain ng interleukin, isang protina sa katawan na nagsasanhi ng pinsala sa mga kasu-kasuan. ...


Side Effect:

Ang pamumula, pagpapasa, pamamaga, at sakit sa bahaging tinurukan ay maaaring mangyari, ang mga reaksyong ito sa balat ay kadalasang malumanay at maaaring tumagal sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin ng maagap sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan. Ang Anakinra ay nagsanhi ng napakaseryosong mga inpeksyon (tulad ng mga inpeksyon sa balat/buto/kasu-kasuan, pulmonya). Sabihin agad sa iyong doktor kung ikaw ay may mabuong mga senyales ng inpeksyon, kasama ng: lagnat/mga ginaw, tumatagal na pamamaga ng lalamunan, ubong may kasamang sipon, kumakalat na pamumula/pamamaga/panlalambot ng balat, sakit ng buto. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang anakinra, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay hindi hiyang ditto; o sa mga protinang gawa mula sa ilang bakterya (E. colli); o sa lateks; o kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng ibang alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang hindi aktibong mga sangkap, na pwedeng magsanhi ng mga reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong tagapagbigay ng alagang pagkalusugan ang iyong kasaysayang medical, lalo ng: kamakailan lamang/kasalukuyang inpeksyon, mga problema sa sistemang kaligtasan sa sakit (tulad ng HIV na sakit), sakit sa bato, hika. Ang anakinra ay pwedeng gawin kang mas malamang upang magkaroon ng mga inpeksyon o maaaring magpalala ng kahit anong kasalukuyang mga inpeksyon. Kaya naman, hugasan ang iyong kamay ng maayos upang pigila ang pagkalat ng inpeksyon. Iwasan ang kontak sa mga taong mayroong mga inpeksyon na maaaring makahawa sa iba (tulad ng bulutong, trangkaso). Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».