Metyrapone - oral
ViroPharma | Metyrapone - oral (Medication)
Desc:
Ang Metyrapone ay ginagamit upang suriin kung ang iyong pituitary na glandula ay nagsusumite ng naaangkop na signal sa iyong adrenal na mga glandula. Karaniwan ang pituitary na glandula sa iyong utak ay nagsusumite ng mga sinal sa iyong adrenal na mga glandula upang mgakagawa ng natural na mga substansiya na tinatawag na cortisol. Mahalaga ang Cortisol para sa pagpapanatili ng maayos na pagtakbo ng iyong katawan at para sa maayos na kalusugan. ...
Side Effect:
Pagduduwal, Kabagabagan ng sikmura, sakit ng ulo, pagkahilo, o pagkaantok ay maaaring maganap. Kung alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, sabihin ito kaagad sa iyong doktor. Tandaan na inirekumenda ito sa iyo ng iyong doktro sapagkat sinala niya na mas marami ang iyong matatamong benepisyo rito kaysa sa mataas na peligrong iyong matatanggap sa mga epekto. Maraming mga tao ang gumagamit ng gamot na ito ay di-nagkaroon ng seryosong mga epekto. Napakaseryosong mga reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay bibihira. Ngunit, humanap ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay nakakapansin ng anumang mga seryosong reaksyong alerdyi: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ito ay hindi kumpletong mga listahan ng mga posibleng mga epekto. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong anuman uri ng mga alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga di-aktibong mga sangkap, na makapagdudulot ng reaksyong alerdyi o iba pang mga problema. Kausapin ang iyong parmasyutiko para sa mas marami pang mga detalye. Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktro o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ng: pagbawas ng pagtakno ng adrenal na glandula (primaryang di sapat na adrenal), mga problema sa teroydeo. Ang gamot na ito ay maaaring magpahilo sa iyo o magpaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng anumang mga aktibidad na nangangailangan ng pagka-alerto hanggang sa makasigurong kaya itong isagawa ng ligtas. Limitahan ang mga inuming nakalalasing. a panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...