Mitomycin - injection
Bristol-Myers Squibb | Mitomycin - injection (Medication)
Desc:
Ang Mitomycin ay ginagamit kasama ng ibang mga gamot upang gamutin ang maraming uri ng kanser (tulad ng kanser sa tiyan/pankreya). Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapabagal o pagpapahinto sa paglaki ng mga selula ng kanser. Ang gamot na ito ay maaari ri ng gamitin upang gamutin ang ibang mga uri ng kanser (tulad ng kanser sa baga). Ang Mitomycin ay ginagamit rin upang gamutin ang adenocarcinoma ng kolon at pwet; squamous cell carcinoma ng ulo at leeg, mga baga, at kwelyo ng matris; adenocarcinoma at duct cell carcinoma ng suso; at kanser sa pantog. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga posibleng panganib ng paggamit ng gamot na ito para sa iyong kondisyon. ...
Side Effect:
Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay may mapansing kahit anong sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi, kasama ang: pamamantal, pangangati (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang pagduduwal at pagsusuka ay pwedeng maging matindi. Ang pansamantalang paglalagas ng buhok ay maaaring mangyari. Ang normal na pagtubo ng buhok ay dapat na bumalik kapag natapos na ang paggagamot. Maraming mga taong gumagamit ng gamot na ito ang walang mga seryosong epekto. Kontakin ng maagap ang iyong doktor kung ikaw ay may maranasanag alinman sa mga sintomas ng dehaydrasyon tulad ng hindi pangkaraniwang pagkaunti ng pag-ihi, hindi pangkaraniwang tuyong bibig/dumalas na pagkauhaw, kawalan ng luha, pagkahilo, o maputla/kulubot na balat. ...
Precaution:
Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: mga karamdaman sa dugo/pagdurugo (tulad ng anemya, mababang bilang ng mga selula ng dugo), pangkasalukuyang impeksyon, sakit sa bato, sakit sa atay, radyasyong paggagamot. Hugasang mabuti ang iyong mga kamay upang mapigilan ang pagkalat ng mga impeksyon. Upang mapababa ang iyong panganib ng pagkakaroon ng hiwa, pasa, o pinsala, mag-iingat sa tuwing gagamit ng mga matalim na bagay tulad ng pang-ahit at panggupit sa kuko, at iwasan ang mga gawaing tulad ng kontak na laro. ...