Moban

Endo Pharmaceuticals | Moban (Medication)

Desc:

Ang Moban/molindone ay ginagamit upang gamutin ang ilang mga karamdaman sa pag-iisip/kalooban (tulad ng iskisoprenya). Ang gamot na ito ay tinutulungan kang mag-isip ng mas malinaw, makaramdam ng hindi masyadong kaba at gumanap sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay pwedeng magbawas sa mga agresibong gawi at kagustuhang saktan ang sarili/ibang tao. Ito ay maaari ring tumulong sa pagbabawas ng mga halusinasyon (tulad ng pagkarinig/pagkakita ng mga bagay na na wala talaga). Ang Moban ay isang sikayatrikong medikasyon (antisikotikong uri) na gumagawa sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbalik ng balanse ng ilang mga natural na substansya (tulad ng dopamine) sa utak. ...


Side Effect:

Mayroong ilang mga epektong maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: pagkaantok, pagkahilo, tuyong bibig, o malabong paningin. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin ng maagp sa iyong doktor o parmaseutiko. Ang gamot na ito ay maaari ring magsanhi ng mga problema sa kalamnan/sistemang nervous (extrapyramindal na mga sintomas- EPS). Maaaring magreseta ng ibang medikasyon ang iyong doktor upang bawasan ang mga epekto. Kaya naman, sabihin sa iyong doktor agad kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga sumusunod na epekto: matigas na mga kalamnan, matanding pulikat ng kalamnan (tulad ng namimilipit na leeg, kumukubang likod, mga matang tumitirik), walang kapahingahan/palagiang kailangang gumalaw, panginginig (pangangatog), mabagal/kinakaladkad ang paang paglalakad, paglalaway/hirap makalunok, parang maskarang ekspresyon ng mukha. Agad sabihin sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: depresyon/pag-iisip ng pagpapakamatay, pagkahimatay, mabilis na tibok ng puso, hirap umihi. Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng kondisyong kilala bilang tardive dyskinesia. Sa ilang mga kaso, ang kondisyong ito ay maaaring maging permanente. Agad sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng kahit anong imboluntaryo/nauulit na mga paggalaw ng kalamnan tulad ng paghalik ng labi, pagtulak ng dila, pagnguya, o mga paggalaw ng daliri sa kamay/paa. Sa ilang mga kaso, ang molindone ay maaaring magpataas sa iyong lebel ng ilang kemikla na gawa ng katawan (prolactin). Para sa mga babae, ang pagtaas ng prolactin na ito ay maaaring magresulta sa hindi gustong gatas ng ina, nalaktawan/tumigil na regla, o hirap na mabuntis. Para sa mga lalaki, ito ay maaaring magresulta sa bumabang kakayanang pansekswal, hindi kakayahang magprodyus ng tamod, o lumaking mga suso. Kung ikaw ay magkaroong ng alinman sa mga sintomas na ito, sabihin sa iyong doktor kaaagad. Para sa mga lalaki, ang nakapamalabong pangyayari na magkaroon ka ng masakit o matagal na ereksyon (tumatagal ng higit sa 4 oras), ihinto ang paggamit ng gamot na ito at humingi ng agarang atensyong medikal, o permanenteng mga problema ang mangyari. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: mga senyales ng impeksyon (tulad ng lagnat, matinding sakit ng tiyan), mga senyales ng problema sa atay (tulad ng tumatagal na pagduduwal/pagsusuka, hindi pangkaraniwang pagkapagod, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata/balat), mga seizure, matinding sakit ng tiyan. Ang medikasyong ito ay maaaring madalang na magsanhi ng seryosong kondisyong tinatawag na neuroleptic malignant syndrome (NMS). Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay magkaroon ng mga sumusunod: lagnat, matigas na mga kalamnan, pamamawis, mabilis/iregular na tibok ng puso, bilang pagbabago sa kaisipan/kalooban (tulad ng pagkalito, kawalan ng malay), pagbabago sa dami ng ihi. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Moban, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng mga alerhiya, mga problema sa dugo (tulad ng mababang bilang ng puting selula ng dugo), ilang kondisyon sa mata (glawkoma), mga problema sa puso (tulad ng mabagal/mabilis/iregular na tibok ng puso, mababang presyon ng dugo), mabagal na paggalaw ng tiyan/mga bituka (tulad ng kronik na konstipasyon, pagbabara), sakit sa atay, karamdaman/tumor/pinsala sa utak, pag-abuso ng droga/alak/substansya, kanser sa suso, sakit na Parkinson, ilang matinding reaksyon sa ibang mga medikasyong antisikotikong uri (neuroleptic malignant syndrome-NMS), hirap sa pag-ihi (tulad ng dahil sa mga problema sa prosteyt).

Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama ang mga may resetang gamot, walang reseta gamot at produktong erbal). Maaaring mabawasan ng Moban ang iyong kakayanang magpawis, ginagawa kang mas malamang na magkaroon ng heat stroke. Iwasan ang mga gawaing maaaring magsanhi ng labis mong pag-init (tulad ng sa paggawa ng mabigat na mga gawain/ehersisyo sa mainit na panahon, paggamit na maiinit na mga batya). Uminom ng maraming tubig at magsuot ng magaan. Kung ikaw ay uminit ng labis, maagap na maghanap ng mas malamig na lugar at ihinto ang pag-ehersisyo. Habang nagbubuntis, ang medikasyong ito ay dapat na gamitin lamang kung malinaw na kinakailangan. Talakaying ang mga panganib at benepisyo kasama ng iyong doktor. Ihinto ang paggamit ng medikasyong ito maliban nalang kung dinirekta ng iyong doktor. Ang mga sanggol na isinilang ng amga inang gumagamit ng gamot na ito sa nakaraang 3 buwan ng pagbubuntis ay maaaring madalang na nagsisimula ng mga sintomas tulad ng paninigas ng kalamnan o panginginig, pagkaantok, hirap sa pagpapasuso/paghinga, o palagiang pag-iyak. Konsultahin ang iyong doktor bago magpasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».