Moclobemide - oral tablet

Unknown / Multiple | Moclobemide - oral tablet (Medication)

Desc:

Ang Moclobemide ay isang monoamine oxidase (MAO) inhibitor na ginagamit upang gamutin ang ilang mga uri ng pangkaisipang depresyon. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng paghaharang sa aksyon ng substansyang kemikal na kilala bilang monoamine oxidase (MAO) sa sistemang nervous. Kahit na ang Moclobemide ay napakaepektibo sa ilang mga pasyente, ito rin ay maaaring magsanhi ng ilang mga hindi gustong reaksyon kung ito ay iinumin ng mali. Napakahalagang iwasan ang ilang mga inumin at gamot habang ikaw ay umiinom ng Moclobemide. Maaaring magbigay ang iyong doktor ng listahan bilang paalala kung anong mga produkto ang iyong dapat na iwasan. ...


Side Effect:

Ang medikasyong ito ay maaaring magsanhi ng pagkahilo, pagkakaba, malumanay na sakit ng ulo, hirap sa pagtulog at pagduduwal habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa medikasyon. Ang ibang mga epektong naiulat ay may kasamang pamamawis, kawalan ng ganang kumain, tuyong bibig, pagkabalisa, o malabong paningin. Kung alinman sa mga epektong ito ang magpatuloy o maging abala, ipaalam sa iyogn doktor. Upang iwasan ang pagkahilo kapag tumatayo mula sa pagkakaupo o pagkakahigang posisyon, marahang tumayo. Abisuhan ang iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng: mabilis/kumakabog/iregular na tibok ng puso, sakit ng tiyan, sakit ng dibdib, bigla at matinding sakit ng ulo, matigas na leeg, pagkalito, disoryentasyon, putol-putol na pananalita, mga pagbabago sa gawi, lagnat, pamamantal ng balat. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: mga problema sa bato, sakit sa atay, sakit sa teroydeo, altapresyon. Mag-ingat kapag magmamaneho o gagamit ng makinarya kung gawin kang nahihilo o naantok ng medikasyong ito. Iwasan ang sobrang daming alak habang gumagamit ng medikasyong ito. Agarang sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay magkaroon ng kahit anong pagpapakamatay na kaisipan, o ibang mga pagbabago sa kaisipan/kalooban. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».