Modafinil
Cephalon | Modafinil (Medication)
Desc:
Ang Modafinil ay isang analeptikong gamot na nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na mga wakefulness promoting agent. Ang gamot na ito ay ginagamit sa paggagamot ng narcolepsy, karamdamang shift work sleep at sobrang pagkaantok tuwing umagang kaugnay ng obstructive sleep apnea. Ito ay iniriresetang gamot lamang at dapat ng inumin gamit ang bibig ng mayroon o walang kasamang gamot, kadalasang isang beses sa isang araw, o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon sa paggagamot. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ang pag-inom ng walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Pinakakaraniwan, ang Modafinil ay maaaring magsanhi ng: sakit ng ulo, pagkahilo, hirap makatulog o manatiling gising, pagkahilo, pagduduwal, pagtatatae, konstipasyon, gas, pangangasim ng sikmura, kawalan ng ganang kumain, hindi pangkraniwang mga panlasa, tuyong bibig, sobrang pagkauhaw, pagdurugo ng ilong, pamumula, pamamawis, paninigas ngmga kalamnan o hirap gumalaw, sakit ng likod, pagkalito, hindi kontroladong panginginig ng isang parte ng katawan, pagsusunog, pangingilabot, o pamamanhid ng balat, hirap makakito o sakit ng mata. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga higit na matindi at masamang reaksyon ay may kasamang: alerhiya – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; mga pamamaltos; pamamalat ng balat; mga sugat sa bibig; pamamaos; sakit ng dibdib; mabilis, kumakabog, o iregular na tibok ng puso; ulol, abnormal na masiglang kalooban; mayroong halusinasyon; pagkabalisa; depresyon; o pag-iisip ng pagpapakamatay o pananakit ng sarili. Kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga ito, humingi ng agarang tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit ng dibdib, isang iregular na tibok ng puso, o ibang mga problema sa puso pagkatapos uminom ng pampasigla, at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng altapresyon; atake sa puso; sakit ng dibdib; sakit sa pag-iisip tulad ng depresyon, mania o sikosis; o sakit sa puso, atay, o bato. Dahil ang Modafinil Modafinil ay pwedeng magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Ang Modafinil ay pwedeng magpababa sa pagkaepektibo ng iyong mga tabletang pangontrol sa pag-aanak, kaya naman gumamit ng mga pag-iingat na paraan. Kung ikaw ay mabuntis habang gumagamit nito, agarang sabihin sa iyong doktor. ...