Moexipril - oral
Apotex Inc. | Moexipril - oral (Medication)
Desc:
Ang Moexipiril ay kabilang sa mga grupo ng gamot na tinatawag na ACE inhibitors. Ginagamit itong panglunas sa high blood pressure. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapakalma ng mga ugat ng dugo, na nagdudulot ng kanilang pagluwag. Ang pagpapababa ng high blood pressure ay nakatutulong na maiwasan ang stroke, atake sa puso, at sakit sa bato. ...
Side Effect:
Ang pagkahilo, lightheadedness, pagka-antok, pananakit ng ulo, pagkapagod, panlalabo ng paningin, o pabalik-balik na pag-ubo ay maaring maranasan habang nasasanay pa ang katawan sa gamot. Maari mo rin maranasan ang kawalan ng abilidad sa pakikipagtalik o pagiging labis na sensitibo sa sinag ng araw. Kung magtagal o lumala ang alinman sa mga ito, ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Maraming tao na gumagamit ng gamot na ito ay hindi nakakaranas ng mga seryosong side effects. Ang hydrochlorothiazide sa produktong ito ay maaring magdulot ng labis na pagkawala ng tubig (dehydration) o asin sa katawan. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit seryosong sintomas ng dehydration tulad ng: tuyong bibig, labis na pagka-uhaw, pamumulikat, panghihina, mabilis na tibok ng puso, pagkaduwal, pagsusuka, labis na pagkahilo, pagdalang ng pag-ihi, pagkahimatay, at kumbulsyon. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit seryosong side effects: sintomas ng impeksyon (hal. , lagnat, pangangatog, matagal na pagsakit ng lalamunan), madaling magalusan/pagdurugo, iregular na tibok ng puso, pamamanhid/pangingiliti/pamamaga ng kamay/paa, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, paghina ng paningin, pananakit ng mata. Ang gamot na ito ay maaring magdulot, sa pambihirang pagkakataon, ng seryoso (o nakamamatay) na sakit sa atay. Humanap kaagad ng atensyong medikal kung mamalas ang mga sumusunod na pambihira, ngunit seryoso, na side effects: paninilaw ng balat/mata, kulay tsaa na ihi, lubhang pananakit ng tiyan o sikmura, namamalaging pagkapagod, namamalaging pagkaduwal/pagsusuka. ...
Precaution:
Ang pag-inom ng alak ay maaring pababain ang iyong blood pressure at palakasin ang mga ilang side effects ng moexipril. Huwag gumamit ng salt substitutes o potassium supplements habang gumagamit ng moexipril, maliban nalang kung pinayuhan ng doktor. Ang pagsusuka, labis na pagdurumi, o labis na pamamawis ay maaring magdulot ng dehydration. Maari itong magresulta sa mababang blood pressure, electrolyte disorders, o kidney failure habang gumagamit ng gamot na ito. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso ng bata nang walang payo ng iyong doktor. ...