Monoket

BCM | Monoket (Medication)

Desc:

Ang Monoket/isosorbide mononitrate ay ginagamit upang maiwasan ang angina attacks (pananakit ng dibdib). Hindi nito gagamutin ang mga angina attacks na nagsimula na. Ang Isosorbide mononitrate ay nasa grupo ng mga gamot na tinatawag na nitrates. Pinapaluwag nito ang mga ugat, kaya dumadali ang pagdaloy ng dugo at pagtibok ng puso. ...


Side Effect:

Ang pananakit ng ulo ang pinakakaraniwang side effect ng isosorbide mononitrate at kadalasang may kinalaman sa taas ng dosage (mas lumalala sa mas mataas na dosage). Ang pamumula ng balat ay maaring maranasan sapagkat ang Monoket ay pinapaluwag ang mga ugat. Maari din itong magdulot ng dagliang pagbaba ng blood pressure tuwing tatayo mula sa pag-upo, kaya maaring makaranas ng pagkahilo, pagbilis ng tibok ng puso, at panghihina. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng Monoket kung ikaw ay umiinom ng sildenafil. Maaring magkaroon ng malubha at posibleng nakamamatay na side effects kung ikaw ay gumagamit ng Monoket/isosorbide mononitrate kasabay ang sildenafil. Hindi mo dapat gamitin ang gamot na ito kung ikaw ay may allergy sa isosorbide mononitrate, isosorbide dinitrate o nitroglycerin, o kung ikaw ay may mga sinyales ng atake sa puso (pananakit ng dibdib o mabigat na pakiramdam, sakit na kumakalat sa balikat hanggang braso, pagkaduwal, pagpapawis, o pagsama ng pakiramdam). Bago uminom ng Monoket, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may congestive heart failure, low blood pressure, or kidney disease. Ang Monoket ay maaring magdulot ng matinding pagsakit ng ulo, lalo na sa unang paggamit. Ang pananakit ng ulo na ito ay maaring mabawasan habang nagtatagal sa paggamit ng gamot na ito. Gamitin ang Monoket ng regular upang maiwasan ang angina attack. Huwag dagliang itigil ang paggamit ng isosorbide mononitrate. Ang dagliang pagtigil ng paggamit nito ay maaring magdulot ng malubhang angina attack. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso ng bata nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».