Anastrozole

Watson Pharmaceuticals | Anastrozole (Medication)

Desc:

Ang Anastrozole ay ginagamit upang gamutin ang ilang uri ng kanser sa suso sa mga babaeng tumigil na ang regla (postmenopausal). Ito rin ay ginagamit para sa mga babaeng nagkaroon na ng ibang paggagamot sa kanser (halimbawa, tamoxifen). Maraming tumor sa kanser sa suso ay lumalaki bilang tugon sa estrodyen. Ang Anastrozole ay sumasalungat sa produksyong ng estrodyen sa katawan. Bilang resulta, ang dami ng estrodyen na kung saan ang tumor ay nakababad ay nabawasa, nililimitahan ang paglaki ng tumor. ...


Side Effect:

Maraming karaniwang epekto: malabong paningin, sakit sa dibdib o hindi kaginhawahan, pagkahilo, sakit ng ulo, pagkakaba, pagkakabog sa tainga, pagkakapos ng hininga, mabagal o mabilis na tibok ng puso, pamamaga ng mga paa o binti. Ang hind masyadong karaniwan: sakit ng braso, likod, o panga, paninikip ng dibdib o bigat, ubo o pamamos, hirap o masakit nap ag-ihi, pagkahilo, matinding lagnat o ginaw, sakit ng ulo, nagpapatuloy na pagtaas ng presyon ng dugo, sakit sa ibabang bahagi o gilid ng likod, pagduduwal, sakit, panlalambot, malaasul na kulay, o pamamaga ng paa o binti, biglang pagkakapos ng hininga, pamamawis, hindi pangkaraniwang pagkapagod o panghihina, pagdurugo sa ari ng babaw (hindi inaasahan at malakas). Ang ilang mga epekto ay maaaring mangyari na kadalasang hindi naman kinakailangan ng atensyong medikal. Ang epekto ay maaaring maalis habang naggagamot habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa gamot. ...


Precaution:

Malabong ang postmenopausal na babae ay mabuntis. Ngunit, dapat alam mong ang paggamit ng Anastrozole habang buntis ay pwedeng makasama sa sanggol sa sinapupunan. Gumamit ng epektibong porma ng pangkontrol sa pagpaparami upang mapanatiling hindi mabuntis. Kung sa palagay mong ikaw ay magiging buntis habang gumagamit ng gamot na ito, sabihin agad sa iyong doktor. Ang Anastrozole ay maaaring magsanhi ng seryosong uri ng reaksyong alerdying tinatawag na anaphylaxis. Ang anaphylaxis ay pwedeng nakamamatay at nangangailang ng agarang atensyong medikal. Tawagan agad ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong pangangati; pamamantal; pamamaos; hirap sa paghina; hirap sa paglunok; o kahit anong pamamaga ng iyong mga kamay, mukha, o bibig habang ikaw ay gumagamit ng Anastrozole. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».