Montelukast

William Webster Company | Montelukast (Medication)

Desc:

Ang Montelukast ay ginagamit upang maiwasan ang hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, panghihingal at pag-ubo na dulot ng asthma. Ang Montelukast ay ginagamit din upang maiwasan ang bronchospasm (hirap sa paghinga) habang nage-ehersisyo. Ang Montelukast ay ginagamit din upang gamutin ang mga sintomas ng seasonal (nararanasan sa mga piling panahon sa isang taon), at perennial (nararanasan sa buong taon) allergic rhinitis (isang kondisyon ng pagsinghot, pagbabara, o pangangati ng ilong). Ang Montelukast ay nasa uri ng mga gamot na tinatawag na leukotriene receptor. Pinipigil nito ang mga reaksyon ng mga kakanggata sa loob ng katawan na nagdudulot sintomas ng asthma at allergic rhinitis. ...


Side Effect:

Marami sa mga taong gumagamit nito ay walang nararanasan na seryosong side effects. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit seryoso, na mga side effects: pagbabago sa kalagayan ng damdamin/pag-iisip (tulad ng iritasyon, agresyon, pagkabalisa, hirap sa pagtulog, kakaibang mga panaginip, paglalakad ng tulog, depresyon, halusinasyon, pag-iisip na sa saktan o patayin ang sarili), pamamanhid/pangingiliti/biglaang pananakit sa mga braso o hita, panghihina ng kalamnan. Pambihira magkaroon ng seryosong allergic reaction sa gamot na ito. Ngunit, humanap ng atensyong medikal kung mamalas ang mga sumusunod na sintomas ng seryosong allergic reaction tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Ang produktong ito ay maaring may taglay na di-aktibong sangkap,na maaring magdulot ng allergic reaction o ibang problema. Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na kung nagkaroon ng: sakit sa atay. Bago ang isang operasyon, ipagbigay alam sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (tulad ng mga gamot na may preskripsyon at wala, at mga produktong herbal). Ang mga nginunguyang tabletas ay maaring may laman na aspartame. Kung ikaw ay may phenylketonuria (PKU) o kahit anong kondisyon na kinakailangan kang umiwas/limitahan ang aspartame (o phenylalanine) sa iyong diyeta, kumonsulta sa iyong doktor para sa ligtas na paggamit ng gamot na ito. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».