Moricizine - oral

Unknown / Multiple | Moricizine - oral (Medication)

Desc:

Ang Moracizine ay nasa mga uri ng gamot na tinatawag na antiarrhythmic at ginagamit upang gamutin ang mga seryoso, at posibleng nakamamatay, na abormal at mabilis an tibok ng puso tulad ng persistent ventricular tachycardia. Ang gamot na ito ay pinabababa ang pagiging sensitibo ng mga tisyu ng puso, na nakatutulong na ibalik sa normal na bilis ang tibok ng puso. Ang gamot na ito ay kinakailangan ng preskripsyon at iniinom, mga dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw, o ayon sa direksyon ng iyong doktor. Ang dosage ay naayon sa iyong kondisyon at tugon sa gamutan. Huwag taasan ang dose o dalas ng paggamit nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Mga di-gaanong seryosong side effects ay: pagkaduwal, pagkahilo, pananakit ng ulo, pagkapagod, pansamantalang paglakas ng tibok ng puso (palpitations), paninikip ng dibdib, pananakit ng tiyan, heartburn, pagsusuka, pamamawis, pananakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan, diarrhea, tuyong bibig, problema sa pagtulog, at panlalabo ng paningin. Kung magtagal o lumala ang mga ito, tumawag sa iyong doktor. Mga mas malubhang karagdang epekto sa katawan ay: pamamaga ng bukong-bukong o hita, pagkapagod, pagdalas ng paninikip ng dibdib kapag nakahiga, pagbabago sa kalagayan ng damdamin/pag-iisip tulad ng pagiging nerbyoso, pangingiliti/pamamanhid ng kamay at paa, kawalan ng pakiramdam sa paghawak, hirap sa pag-ihi, lagnat, mabilis magkasugat o pagdurugo, matagalang pagkaduwal o pagsusuka, pananakit ng tiyan o sikmura, paninilaw ng mata o balat, ihi na kulay tsaa, labis na pagkapagod, pananakit ng dibdib, pagkahimatay, o dagliang pagbabago sa tibok ng puso. Kung mamalas ang mga ito, humanap kaagad ng tulong medikal. Bihira magkaroon ng allergy, ngunit humanap ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na sintomas: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha, o kumpol na pamamantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Ipagbigay alam sa iyong doktor kiung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay nakaranas na ng mga sumusunod na kondisyon: atake sa puso (sa loob ng dalawang taon), pananakit ng dibdib (angina), cardiomegaly, mataas na lebel ng potassium, mga uri ng mabagal o iregular na tibok ng puso tulad ng sick sinus syndrome, sakit sa atay, sakit sa bato, at pacemaker sa puso. At dahil ang Moricizine ay maaring magdulot ng pagkahilo o pagka-antok, huwag magmaneho at gumamit ng makinarya hangga't ikaw ay di tiyak na magagawa ang mga ito nang ligtas. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng kanilang doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».