Moxifloxacin - oral
Unknown / Multiple | Moxifloxacin - oral (Medication)
Desc:
Ang Moxifloxacin ay ginagamit na pangljnassa iba't ibang uri ng impeksyon na dulot ng baktirya (tulad ng bronchitis, pneumonia, at sinusitis). Ito ay ginagamit na panggamot sa mga impeksyon para sa mga taong hindi nagkaroon ng magandang tugon sa ibang antibiotic treatment o para sa mga taong hindi na maaring gamutin ng ibang antibiotics. Ang moxifloxacin ay pinapatay ang baktirya na nagdudulot ng impeksyon. ...
Side Effect:
Maaring makaranas ng pagkaduwal, diarrhea, pagkahilo, lightheadedness, pananakit ng ulo, panghihina, o hirap sa pagtulog. Kung ang mga ito ay magtagal o lumubha, ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na bihira, ngunit seryoso, na mga side effects: pagbabago sa kalagayan ng isip/damdamin (hal. , pagkabalisa, pagkalito, halusinasyon, depresyon, pag-iisip ng pagpapakamatay), panginginig (tremors). Ipagbigay alam sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumsusunod na pambihira, ngunit malubha, na mga side effects: kakaibang galos/pagdurugo, malubha/matagalang pananakit ng ulo, sinyales ng nagsisimulang impeksyon (hal. , nagsisimula/matagalang lagnat, matagalang ubo), kakaibang pagbabago sa dami ng ihi, sinyales ng problema sa atay (hal. , kakaibang pagkapagod, pananakit ng tiyan/sikmura, matagalang pagsusuka/pagkaduwal, paninilaw ng balat/mata, ihing kulay tsaa). Humanap kaagad ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit malubha, na mga side effects: labis na pagkahilo, pagkahimatay, mabilis/iregular na tibok ng puso, kumbulsyon. Ang moxifloxacin ay maaring magdulot ng malubhang problema sa mga nerves na maaring magamot kung matutukoy nang maaga. Humanap ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na malubhang sintomas: pangingirot/pamamanhid/pananapdi/pangingiliti/panghihina sa kahit anong bahagi ng katawan, pagbabago sa iyong pandama sa init/temperatura/posisyon ng katawan/pagyanig. Ang gamot na ito ay bihirang magdudulot ng malubhang kondisyon sa bituka (Clostridium difficile-associated diarrhea) dahil sa isang uri ng resistant bacteria. Huwag gumamit ng mga produktong anti-diarrhea o narcotic pain medications kung ikaw ay mayroon ng mga nasabing sintomas sapagkat maaring lumubha ang mga ito. Ang matagalang paggamit ng gamot na ito ay maaring magdulot ng pagsisimula ng oral thrush o vaginal yeast infection. Tumawag sa iyong doktor kung mamalas ang mga puting batik sa iyong bibig, pagbabago sa vaginal discharge, o iba pang sintomas. Bihira magkaroon ng malubhang allergic reaction sa gamot na ito. Ngunit, humanap ng atensyong medikal kung makaranas ng malubhang sintomas ng allergic reaction, tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha, dila,lalamunan), labis na pagkahilo, hirap sa paghinga. Hindi ito kumpletong talaan ng mga karagdagang epekto sa katawan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Ipagbigay alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasaysayang medikal, lalo na kung nagkaroon ng: diabetes, problema sa puso, problema sa kasu-kasuan/litid, sakit sa atay, myasthenia gravis, sakit sa nervous system, pagkakaroon ng kumbulsyon, o mga kondisyon na maaring magtaas ng panganib ng kumbulsyon. Bago gamitin ang moxifloxacin, ipagbigay alam sa iyong doktor o pharmacist kung ikaw ay nagkaroon ng mga sumusond na kondisyon: sakit sa puso (heart failire, mabagal na tibok ng puso, QT prolongation in the EKG), pampamilyang kasaysayan ng mga sakit sa puso (QT prolongation in the EKG, dagliang cardiac death). Ang mababang lebel ng potassium at magnesium sa iyong dugo ay maaring itaas ang panganib na magkaroon ng QT prolongation. Ang panganib na ito ay maaring tumaas sa paggamit ng mga uri ng gamot (tulad ng diuretics/water pills), o kung ikaw ay may mga kondisyon tulad ng labis na pamamawis, diarrhea, o pagsusuka. Ang gamot na ito ay pambihirang magdudulot ng pagbabago sa lebel ng asukal sa iyong dugo, lalo na kung ikaw ay may diabetes. Obserbahan ang mga sintomas ng high blood sugar tulad ng pagdalas ng pag-inom at pag-ihi. Obserbahan din ang mga sintomas ng low blood sugar tulad ng nerbyos, panginginig, mabilis na tibok ng puso, pamamawis, o pagkagutom. Maaring magdulot ng pagkahilo ang gamot na ito. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng mga aktibidad na kinakailangan ng pagiging alerto hangga't ikaw ay di tiyak na magagawa ito nang ligtas. Limitahan ang paggamit ng alak. Ang gamot na ito ay maaring gawin kang mas sensitibo sa araw. Umiwas sa matagalang pagkababad sa ilalim ng araw, tanning booths, at sunlamps. Gumamit ng sunscreen o magsuot ng makapal na damit sa paglabas. Mag-ingat sa paggamit nito sa mga bata sapagkat sila ay maaring mas maranasan ang mga posibleng side effects ng gamot na ito (hal. , problema sa mga kasu-kasuan/litid). Hindi inirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng kanilang doktor. ...