Mucinex
Reckitt Benckiser Pharmaceuticals | Mucinex (Medication)
Desc:
Ang Mucinex ay mayroong aktibong sangkap na guaifenesin, na isang expectorant. Ang gamot na ito ay nakatutulong na magbigay ginhawa sa pagbabara ng dibdib at lalamunan, kaya mas dumadali ang pag-ubo gamit ang iyong bibig. Ang Mucinex ay ginagamit upang pansamantalang magbigay ginhawa sa pag-ubo na dulot ng sipon, bronchitis, at iba pang sakit sa paghinga. Ang gamot na ito ay hindi gumagana sa mga ubo na dulot ng paninigarilyo o matagalang problema sa paghinga tulad ng chronic bronchitis, o emphysema. Maaring inumin ang gamot na ito may laman o wala ang tiyan, tuwing 12 oras, o ayon sa payo ng iyong doktor. Ang dosage ay depende sa iyong kundisyong medikal at pagtugon sa gamutan. Huwag taasan ang dose o dalas ng paggamit nang walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Karaniwan, ang Mucinex ay maaring magdulot ng pagkahilo o pananakit ng ulo, pamamantal, pagkaduwal, pagsusuka, o pananakit ng sikmura. Kung magtagal o lumala ang mga ito, tumawag sa iyong doktor. Karaniwan, hindi nagdudulot ng side effects ang gamot na ito, ngunit kung mamalas ang mga sumusunod na sintomas ng allergic reaction, humanap kaagad ng atensyong medikal: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha, o kumpol-kumpol na pamamantal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Mucinex ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay allergic dito, sa ibang gamot, o may ibang uri ng allergies. Ipagbigay alam din sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay nakaranas na ng mga sumusunod na kondisyon: problema sa paghinga tulad ng emphysema, chronic bronchitis, asthma, o smoker’s cough, pag-ubo na may kasamang dugo o uhog. At dahil maaring magdulot ng pagkahilo at pagka-antok ang Mucinex, huwag magmaneho o gumamit ng makinarya hangga’t ikaw ay nakasisiguro na magagawa ang mga ito nang ligtas. Hindi inrerekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng iyong doktor. ...