Muse
Abbott Laboratories | Muse (Medication)
Desc:
Ang Muse/alprostadil ay ginagamit sa paggamot ng erectile dysfunction (hindi pagtayo ng ari ng lalaki) at pag-diagnose ng mga ilang uri ng sakit. Ginagamit din ito upang mapagpabuti ang daloy ng dugo sa mga bagong silang na sanggol na may genetic heart condition. Pinapadaloy nito ang dugo sa ari ng lalaki na nagdudulot ng pagtayo nito. ...
Side Effect:
Ang mga pinakakaraniwang side effects ng Muse ay: pananakit sa ari, bayag, mga hita, at perineum (lugar sa pagitan ng ari at tumbong. Pag-init o pananapdi sa urethra, pamumula ng ari dahil sa mataas na pagdaloy ng dugo; kaunting pagdugo sa daluyan ng ihi, o pagkakaroon ng batik dahil sa maling paggamit. Ang mga sumusunod na side effects ay bihirang naiulat: matagal na pagtayo ng ari; pamamaga ng mga ugat ng hita, light-headedness/pagkahilo; pagkahimatay. Matapos gumamit ng Muse, iwasan ang pagmamaneho o mga aktibidad na maaring mauwi sa pahamak kung mahihilo o mawawalan ng malay. Sa mga pasyente na nakaranas ng mga sintomas na ito, lumitaw ang mga sintomas isang oras matapos gamitin ang Muse. Kung ikaw ay may kasaysayan ng pagkahimatay, ipagbigay alam ito sa iyong doktor bago gamitin ang Muse. Kung ikaw ay mahilo o pakiramdam mo ay mawawalan ng malay, humiga at itaas ang iyong mga hita. Kung magtatagal ang mga sintomas na ito, tumawag kaagad sa iyong doktor. Kumonsulta sa iyong doktor bago gumamit o gumamit muli ng mga gamot para sa hypertension, dahil maaring mas pababain ng Muse ang iyong blood pressure. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Muse/alprostatidl, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay may iba pang uri ng allergies, sakit sa genito-urinary tract (hal. , urethral stricture/obstruction, urethritis, pamamaga/impeksyon ng ulo ng ari ng lalaki), nakapasok na urethral cathether. Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasaysayang medikal, lalo na kung may: kondisyon sa ari (hal. , angulation, cavernosal fibrosis, Peyronie’s disease), mga pagdurugo, kanser sa blood system (hal. , leukemia, multiple myeloma), sakit sa puso, mababang blood pressure, sickle cell anemia. Ang gamot na ito ay maaring magdulot ng pagkahilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng mga aktibidad na kinakailangan ang pagiging alerto hangga’t ikaw ay sigurado na magagawa ito nang ligtas. Iwasan ang pag-inom ng alak. Ang gamot na ito ay hindi proteksyon sa mga sexually transmitted diseases (hal. , HIV, hepatitis B, gonorrhea, syphilis). Upang proteksyunan ang sarili, gumamit ng barrier method tulad ng latex o polyurethane condom tuwing makikipagtalik. Ang gamot na ito ay hindi para sa kababaihan. Kung gagamitin ito ng lalaking makikipagtalik sa babaeng nagdadalang tao, gamitin ang barrier method tulad ng latex o polyurethane condom. Kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon. ...