Androderm
Watson Pharmaceuticals | Androderm (Medication)
Desc:
Ang Androderm/testosterone ay isang ginamot na pantapal na may lamang testosterone at ginagamit para sa pampalit ng hormon ng mga lalaking walang kakayahang magprodyus ng sapat na testosteron (hallimbawa, hypogonadism). Ang testosterone ay natural na lumilitaw na panlalaking hormon para sa madaming mga proseso sa katawan. Ang medikasyong ito ay sinisipsip ng balat, pumapasok sa daluyan ng dugo, at tumutulong sa katawan upang maabot ang normal na lebel ng testosterone. Ang testosterone ay tumutulong sa katawan upang magprodyus ng tamod at upang mabuo at mapanatili ang mga pansekswal na katangian ng lalaki (pagkalalaki), tulad ng malalim na boses at buhok sa katawan. Ito rin ay tumutulong upang mapanatili ang kalamnan at pigilan ang pagkawala ng buto, at ito ay kinakailangan para sa natural na pansekswal na abilidad/kagustuhan. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamiting ng mga babae. ...
Side Effect:
Ang pangangati, iritasyon, o hindi kaginhawahan sa bahaging pinaglagyan ay maaaring mangyari sa unang ilang mga araw habang ang iyong katawan ay nakikiayon sa pantapal. Ang ibang mga epekto ay maaaring may kasamang tigyawat, sakit ng ulo, paglalagas ng buhok, pagkabalisa, o pagbabago sa kagustuhang pansekswal. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihan ng maagap ang iyong doktor o parmaseutiko. Maraming taong gumagamit ng medikasyong ito ang walang seryosong epekto. Ipaalam agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: sakit/paglaki ng suso, pamamaga ng paa/bukong-bukong (edema), pagbigat, napakabagal/napakababaw/hirap sa paghinga (posibleng habang natutulog), hindi pangkaniwang panghihina. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epektong ito ang mangyari: hirap sa pag-ihi, mga pagbabago sa pag-iisip/kalooban (halimbawa, depresyon, agitasyon, pagkamapanganib), pagbabago sa sukat/hugis ng mga borat, sakit/panlalambot ng borat, sakit ng tiyan, ihing madilim ang kulay, paninilaw ng mga mata, balat, pagbabago sa dami ng ihi, panlalambot/pamamaga/sakit ng kalamnan ng binti. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Hindi ito ang kompletong listahan ng mga posibleng epekto. Kung ikaw ay may mapansing wala sa listahan sa taas, kontakin ang iyong doktor o parmaseutiko. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Androderm, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa testosterone o kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng ibang alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang hindi aktibong mga sangkap (tulad ng soy), na pwedeng magsanhi ng mga reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Bago gamitin ang gamot na ito, komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: kanser sa suso sa lalaki, kanser sa prosteyt. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: mga problema sa atay, mga problema sa prosteyt (halimbawa, lumaking prosteyt o BPH), mga problema sa puso, problema sa bato, dyabetis, mataas na lebel ng kolesterol, hirap sa paghinga habang nagtutulog (apnea), altapresyon, kanser sa buto. Kung ikaw ay magkakaroon ng MRI test, sabihan ang taong nag-ieksamin na ikaw ay gumagamit ng pantapal na ito. Ang mga seryosong paso ay maaaring mangyari habang MRI test dahil sa aluminyong laman ng mga pantapal na ito. Ito ay dapat na alisin bago ang MRI test o konsultahin ang iyong doktor para sa tiyak na mga instruksyon. Ang matinding pag-iingat ay inaabiso kung ang gamot na ito ay ginagamit sa mga bata dahil ito ay maaaring magpabagal sa kanilang paglaki. Maingat na imonitor ang bilis ng paglaki ng bata. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...