Mykrox

UCB | Mykrox (Medication)

Desc:

Ang Mykrox/metolazone ay ginagamit ginagamit na panggamot sa fluid retention (edema) at pamamaga na dulot ng congestive heart failure, sakit sa bato, o iba pang kondisyong medikal. Ito rin ay ginagamit kaakibat ang mga gamot na panglunas sa high blood pressure (hypertension). Ang high blood pressure ay nakadadagdag sa work load ng puso at mga ugat. Kapag ito ay nagtagal, maaring hindi na gumana nang maayos ang puso at mga ugat. Maari nitong mapinsala ang mga ugat ng utak, puso, at bato, na mauuwi sa stroke, heart failure, at kidney failure. Mataas ang panganib ng atake sa puso kung mayroong high blood pressure. Ang mga problemang ito ay maaring maiwasan kung makokontrol ang blood pressure. Ang Mykrox/metolazone ay isang thiazide diuretic (water pill). Binabawasan nito ang dami ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pagdalas ng pag-ihi, na nakatutulong din pababain ang blood pressure. ...


Side Effect:

Ang Mykrox/metolazone ay karaniwang hindi nagdudulot ng karagdanag epekto sa katawan. Ang mga karaniwang side effects nito ay: hypokalemia (mababang lebel ng potassium), hyponatremia (mababang lebel ng sodium), at hypomagnesemia (mababang lebel ng magnesium). Maaring magkaroon ng hypercalcemia (mataas na lebel ng calcium). ...


Precaution:

Ipagbigay alam sa iyong healthcare professional kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies sa pagkain, pampakulay, preserbatiba, o hayop. Para sa mga produktong walang preskripsyon, basahin maigi ang tatak at mga sangkap nito, kung ikaw naman ay gumagamit ng ibang gamot o nagkaroon na ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, sakit sa atay, hindi pa nagagamot na mineral imbalance tulad ng sa sodium o potassium, gout, lupus, o diabetes. At dahil ang Mykrox/metolazone ay maaring magdulot ng pagkahilo at pagka-antok, huwag magmaneho at gumamit ng makinarya hangga’t ikaw ay di tiyak na magagawa ito nang ligtas. Hindi inirerekomenda ang gamot na ito para sa mga nagbubuntis at nagpapasuso nang walang payo ng kanilang doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».