Myleran

GlaxoSmithKline | Myleran (Medication)

Desc:

Ang Myleran/busulfan ay ginagamit sa paggamot sa chronic myelogenous leukemia (CML). Hindi nito tuluyang ginagamot ang sakit na ito, ngunit tumutulong ito na makontrol ang karamdaman upang mapabuti ang iyong kalidad ng buhay. Ang gamot na ito ay maari din gamitin bilang pre-treatment sa mga pasyenteng sumasailalim ng stem cell transplant. Ang gamot na ito ay iniinom may laman o wala ang tiyan, isang beses sa isang araw o ayon sa payo ng iyong doktor. Ang dosage ay naayon sa iyong timbang, kondisyong medikal, resulta ng mga pagsusuri sa laboratoryo, at tugon sa gamutan. Maaring dagliang itigil ang gamutan kung ang iyong blood counts ay masyadong bumaba. ...


Side Effect:

Maaring makaranas ng pangingitim ng balat o panunuyo ng bibig. Kung magtagal o lumubha ang mga nasabing side effects, ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Subalit, dapat mong malaman na ang iyong doktor ay binibigay ang gamot na ito sa iyo dahil minarapat niya na ang benepisyo nito ay mas matimbang sa mga posibleng karagdang epekto sa katawan. Maaring mabawasan ang panganib ng side effects sa masusing panunuri ng iyong doktor. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung makaranas ng mga sumusunod na bihira, ngunit malubha, na side effects: sinyales ng sakit sa atay (tulad ng matagalang pagsusuka/pagkaduwal, matinding pangingirot ng tiyan/sikmura, paninilaw ng balat/mata, kulay tsaang ihi), nalampasang pagreregla, lumiliit na bayag, kumbulsyon, kakaiba/labis na pagkapagod, masakit na pag-ihi, pananakit ng mga daliri sa paa/kasu-kasuan. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na side effects: pagkahimatay, mabilis/malakas na pagtibok ng puso, malabong paningin . Ang Myleran ay pambihirang magdulot ng malubha (o nakamamata) na sakit sa baga. Maari itong maganap matapos ang buwan o taon na paggamit ng gamot na ito. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung magkaroon ng sintomas ng sakit sa baga, tulad ng pananakit ng dibdib, paninikip ng dibdib, matagalang pag-ubo. Maari itong magdulot ng ibang uri ng kanser (tulad ng acute leukemia, tumor). Kumonsulta sa iyong doktor para sa karagdagang detalye. Humanap kaagad ng atensyong medikal kung makaranas ng malubhang sintomas ng allergic reaction tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Myleran, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay may allergies, blood/bone marrow disoders (tulad ng bone marrow suppression, neutropenia, thrombocytopenia, anemia), sakit sa utak (tulad ng kumbulsyon, injury sa ulo). Ang Busulfan ay maari kang pahinain laban sa impeksyon at palubhain ang mga kasalukuyang impeksyon sa katawan. Umiwas sa mga taong may nakahahawang impeksyon (tulad ng bulutong, tigdas, at flu). Huwag magpabakuna nang walang pahintulot ng iyong doktor. Bago sumailalim sa isang operasyon, ipagbigay alam sa iyong doktor o dentista ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama na ang mga gamot na may preskripsyon at wala, at herbal na mga produkto). Sa mga batang babae, maaring makahadlang ito sa pagdadalaga. Tawagan ang iyong doktor para sa karagdagang impormasyon. Ang gamot na ito ay maaring makahadlang sa pagbubuntis ng babae o sa kakayanan ng isang lalake na magkaroon nga anak. Makipag-usap sa iyong doktor para sa karagdang impormasyon. Hindi inirerekomenda ang Myleran para sa mga nagbubuntis. Maari nitong masaktan ang sanggol sa tiyan. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga mapagkakatiwalaang birth control methods. Kung nais mong magbuntis o sa palagay mo ay buntis ka, ipagbigay alam sa iyong doktor. Kumonsulta sa iyong doktor bago magpasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».