Mysoline

AstraZeneca | Mysoline (Medication)

Desc:

Ang Mysoline/primidone ay ginagamit sa pagkontrol ng grand malseizures na refractory sa ibang anticonvulsant therapy. Ang mysoline/primidone, gamitin ng ito lamang o kasabay ang iba pang anticonvulsants, ay ginagamit sa pagkontrol ng grand mal, psychomotor, at focal epileptic seizures. Ang mga pasyente na 8 taong gulang o higit pa at hindi pa nakatatanggap ng gamutan ay maaring bigyan ng mga sumusunod na rehimen ng 50mg o scored 250mg. ...


Side Effect:

Ang granulocytopenia, agranulocytosis, at red-cell hypoplasia at aplasia, ay bihirang maiulat. Ang mga ito at iba pang malubhang side effects ay maaring maging dahilan sa pagtigil ng gamit ng gamot na ito. May mga pagkakataon na naiulat ang mga sumusunod: pagkaduwal, anorexia, pagsusuka, pagkapagod, matinding iritasyon, pagkabagabag ng emosyon, hindi makapagtalik, diplopia, nystagmus, pagkahilo, at morbilliform skin eruptions. Ang pinakakadalasan na paunang side effects na mararanasan ay ataxia at vertigo. Ang mga ito ay nawawala sa kasagsagan ng gamutan, o sa pagbawas ng dosage. ...


Precaution:

Bago gamitin ang primidone, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay mayroong allergies, hormone problems (adrenal disease tulad ng Addison’s disease), sakit sa bato, sakit sa atay, sakit sa baga (tulad ng sleep apnea, chronic obstructive pulmonary disease-COPD), pagbabago sa kalagayan ng damdamin/pag-iisip (depresyon, iniisip ang pagpapakamatay), kasaysayan ng pag-abuso ng alak o droga, personal/pampamilyang kasaysayan ng sakit sa dugo (porphyria), mga uri ng vitamin deficiency (folic acid, vitamin K). Ang gamot na ito ay maaring magdulot ng pagkahilo o antok. Ang mga pasyente, mga caregiver, at mga pamilya ay dapat payuhan na ang mga AED, kasama na ang Mysoline ay maaring mag-udyok sa pagkakaroon ng nais magpakamatay at dapat maging alerto sa pagsisimula o paglala ng mga sintomas ng depresyon, kakaibang pagbabago sa kilos o galaw, o pagsisimula ng nais magpakamatay o saktan ang sarili. Mayroong ebidensya na natatagpuan ang gamot na ito sa gatas ng mga nanay na nagpapasuso. At dahil karaniwang matagalan ang gamutan gamit ang Mysoline, kailangan magsagawa ng complete blood count at sequential multiple analysis-12 (SMA-12) tuwing anim na buwan. Hindi inirerekomenda ang gamot na ito para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng kanilang doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».