Mytelase
Sanofi-Aventis | Mytelase (Medication)
Desc:
Ang Mytelase/ambenomium ay ginagamit upang palakasin ang mga kalamnan ng mga pasyenteng may myasthenia gravis. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil nito ng breakdown ng isang natural na kakanggata (acetycholine) sa iyong katawan. Ang acetycholine ay kinakailangan para sa normal na paggamit ng mga kalamnan. Inumin ang gamot na ito, may laman o wala ang tiyan, 3 o 4 na beses sa isang araw o ayon sa payo ng iyong doktor. Ang pag-inom ng gatas o pagsabay ng pagkain ay maaring mabawasan ang mga side effects. Ang dosage ay naayon sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa gamutan. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol iyong tugon sa gamutan at tuwing kailan ikaw pinakanakararamdam ng pagkapagod upang makagawa siya ng pagbabago sa dosage ng iyong gamot. Huwag taasan ang dosage o dalas ng paggamit nang salungat sa preskripsyon. ...
Side Effect:
Tumawag sa iyong doktor kung makaranas ng mga sumusunod na seryosong side effects: malubhang diarrhea, pagkibot ng mga kalamnan; pag-ubo ng may sputum (uhog). Mga di-gaanong malubha na side effects ay: pamamawis o pagdalas ng pag-ihi, paglalaway, pagtutubig ng mata; pag-init o pangingiliti; pagkaduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan; panlalabo ng paningin; pagkabalisa; pagkahilo, pakiramdam na umiikot; pamumulikat. Humanap ng atensyong medikal kung mamalas ang mga sumsunod na sintomas ng allergic reaction tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Mytelase, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies, asthma, seizures, sakit sa nerves (vagotonia), overactive thyroid (hyperthyroidism), Parkinson's disease, problema sa tiyan/bituka (hal. , pagbabara, malubhang konstipasyon, ulcer, megacolon). Bago sumailalim sa operasyon, ipagbigay alam sa iyong doktor o dentista na ginagamit mo ang gamot na ito. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng Mytelase para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso nang walang payo ng doktor. ...