Nabilone - oral
Unknown / Multiple | Nabilone - oral (Medication)
Desc:
Ang Nabilone ay ginagamit upang tratuhin ang pagduduwal at pagsusuka na sanhi nang chemotherapy sa sakit na kanser, sa mga taong gumamit na nang iba pang mga gamot upang tratuhin ang ganitong uri nang pagduduwal at pagsusuka nang walang maayos na resulta. Ang Nabilone ay nasa isang klase ng mga gamot na tinatawag na Cannabinoids. Gumagana ito sa lugar na nakakaapekto sa parte ng utak na kumokontrol sa pagduduwal at pagsusuka. ...
Side Effect:
Ang pagkahilo, pagka-antok, tuyong bibig, malubhang pakiramdam, labis na pakiramdam ng kagalingan (euphoria), pagkahilo, sakit ng ulo, problema sa pagtulog, o problema sa memorya ay maaaring mangyari. Kung ang alinman sa mga epekto na ito ay nagpapatuloy o lumalala, agad na sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko. Sabihin agad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga malubhang epekto na ito ay nagaganap:nanghihina, pagbabago sa kaisipan / kalooban (halimbawa, depresyon, pagkabalisa, pagkagulat, paranoya, guni-guni, pagkabaliw), hindi pangkaraniwang panghihina, pagbabago ng paningin. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung ang alinman sa mga bihira ngunit napaka-seryosong mga epekto ang nangyari:mabilis na pagtibok ng puso, o ang pagkatuliro. Dahil ang nabilone ay maaaring maging sanhi ng mga pagbabago sa pag-iisip, kalooban, o pag-uugali, dapat kang nasa ilalim ng mahigpit na pangangasiwa ng isang responsable at may sapat na gulang o tagapag-alaga habang iniinom mo ang gamot na ito. Kung nakakaranas ka ng gayong mga epekto, manatiling kalmado at sabihin kaagad sa iyong doktor. Huwag gumamit ng Nabilone nang hanggang higit pa matapos kang makapag-kunsulta sa iyong doktor. Ang isang napaka-seryosong reaksiyong alerdyi sa gamot na ito ay bihira. Gayunpaman, maghanap kaagad ng medikal na atensyon kung napansin mo ang anumang mga sintomas ng isang malubhang reaksyon ng alerdyi, kabilang ang pantal, pangangati, pamamaga (lalo na ng mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin din sa iyong doktor kung mayroon o nagkaroon ka ng mataas na presyon sa dugo, o sa puso, sa atay, o sakit sa bato. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw o sinuman sa iyong pamilya ay umiinom o nakainom nang sobrang dami nang alkohol o gumamit, o gumagamit ng mga gamot sa kalye tulad ng marijuana. Sabihin din sa iyong doktor kung ikaw o sinuman sa iyong pamilya ay mayroon o nagkaroon ng sakit sa pag-iisip tulad ng pabago-bago nang pag uugali, pagkawala sa sarili o depresyon. Kung nagkaroon ka ng operasyon kabilang ang dental surgery, sabihin sa doktor o dentista na gumagamit ka ng Nabilone. Maaaring makaranas ng pagka-antok at maging sanhi ng mga pagbabago sa iyong kalooban, pag-iisip, memorya, paghuhusga o pag-uugali. Huwag magbigay ng sasakyang pang makinarya, o makilahok sa mga mapanganib na aktibidad habang gumagamit ka ng gamot na ito na ilang pang araw pagkatapos mong tapusin ang iyong gamutan. Huwag uminom ng mga inuming nakalalasing habang gumagamit ka ng nabilone. Ang alkohol ay maaaring makaapekto nang masama mula sa Nabilone. ...