Nadolol
King Pharmaceuticals | Nadolol (Medication)
Desc:
Ang Nadolol ay nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na beta-blockers. Ang mga beta-blockers ay nakakaapekto sa puso at sirkulasyon (daloy ng dugo sa pamamagitan ng mga arterya at mga ugat). Ang Nadolol ay tinatrato upang gamutin ang matiding pagsakit sa dibdib o pagtaas ng presyon. Ang mga beta-blockers ay maaaring maging sanhi ng hirap sa paghinga sa kadahilanang ito ay sanhi ng mga kalamnan na nakapalibot sa daanan nang hangin sa baga upang higpitan o paliitin ang mga daanan ng hangin nito at maging sanhi ng mas mahirap sa hangin na dumaan dito. ...
Side Effect:
Ang Nadolol sa pangkalahatan ay mas pinahihintulutan. Kasama sa mga epekto ang mga pananakit ng kalamnan, pagtatae, paninigas ng dumi, pagkapagod, hindi pagka-katulog, pagduduwal, depresyon, pagkawala ng lakas, pagkahilo, mabagal na ritmo ng puso, mababang presyon ng dugo, malamig na mga kamay at paa, namamagang lalamunan, at pagsikip ng paghinga o pagsingasing. Ang Nadolol ay maaaring magpalala ng mga paghirap sa paghinga sa mga pasyente na may hika, malalang brongkitis, o sakit sa baga. Sa mga pasyente na may mabagal na ritmo ng puso (bradycardias) at mga sagabal sa puso (mga depekto sa pagpadaloy ng kuryente sa puso), ang Nadolol ay maaaring maging sanhi ng mapanganib at mabagal na ritmo o tibok ng puso, at pagkasindak. Binabawasan ni Nadolol ang lakas ng pag-urong ng kalamnan ng puso na maaaring magpalala ng mga sintomas ng paghina ng puso. Sa mga pasyente na may sakit na sa malaking bahagi ng daluyan ng ugat (coronary artery), ang biglaang pagtigil ng Nadolol ay maaaring biglang magpalala ng malubhang sakit sa dibdib at paminsan-minsang atake sa puso. Kung kinakailangan upang itigil ang paggamit ng Nadolol, ang dosis nito ay dapat mabawasan nang paunti-unti sa loob ng mga ilang linggo. ...
Precaution:
Huwag huminto sa pag-inom ng Nadolol nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong doktor. Ang pagtigil bigla ay maaaring magpalala ng iyong kalagayan. Kung kailangan mo ng operasyon, sabihin sa Siruhano nang maaga na gumagamit ka ng Nadolol. Maaaring kailanganin mong ihinto ang paggamit ng gamot na ito sa isang maikling panahon. Maaaring makasama ang Nadolol sa iyong pag-iisip o reaksyon. Mag-ingat kung nagmamaneho ka o gumagawa ng anumang mga bagay na nangangailangan ng pagiging alerto. Patuloy na gamitin ang gamot na ito ayon sa direksyon, kahit na mabuti ang iyong pakiramdam. Ang mataas na presyon ng dugo ay madalas na walang mga sintomas. Maaaring kailanganin mong gumamit ng gamot sa presyon ng dugo habang buhay. Ang Nadolol ay bahagi lamang ng isang kumpletong programa ng paggamot para sa pagtaas ng presyon na maaari ring isabay ang pag-diyeta, ehersisyo, at pagkontrol ng timbang o bigat. Sunding nang maigi ang iyong mga diyeta, pag-gamot, at ehersisyo kung ikaw ay ginagamot para sa mataas presyon. ...