Angiomax

The Medicines Company | Angiomax (Medication)

Desc:

Ang Angiomax/bivalirudin ay isang tiyak at hindi nababaligtad na direktang thrombin inhibitor. Ang bivalirudin ay isang uri ng pampalabnaw ng dugo na ginagamit sa halip na heparin upang pigilan ang pamumuo ng dugo sa mga taong mayroong matinding sakit sa dibdib o habang ilang prosedyur na ginagamit upang buksan ang mga ugat sa puso tulad ng balloon angioplasty, coronary stent placement, at percutaneous coronary intervention-PCI. Ang medikasyong ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa ugat ng isang propesyonal sa alagang pangkalusugan bago ang iyong prosedyur. Ang dosis ay nakabase sa iyong bigat, kondisyong medikal, at pagtugon sa paggagamot. Pagkatapos ng prosedyur, kakailanganin mong humiga ng pirmi na ang iyong ulo ay medyo nakaangat. ...


Side Effect:

Katulad sa kahit anong gamot, ang mga hindi masyadong epekto ay mas malamang na mangyari, tulad ng: sakit sa likod o balakang; pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan o pag-iba; pakiramdam ng walang kapahingahan o kaba; sakit ng ulo; lagnat; mga problema sa pagtulog (hind pagkakatulog); sakit, pagdurugo, o iritasyon kung saan tinurukan. Ang mga higit na seryosong epekto, na nangangailangan ng agarang tulong medikal ay may kasamang:

reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; biglang pamamanhid o panghihina, lalo sa isang bahagi ng iyong katawan; biglang pagsakit ng ulo, pagkalito, mga problema sa paningin, pananalita, o balanse; sakit o pamamaga sa isa o parehong binti; kahit anong pagdurugong hindi tumitigil; itim, madugo, o mahirap ilabas na dumi; pag-ubo ng dugo o sukang parang kapeng durog; mabagal na tibok ng puso; matinding sakit ng ulo, malabong paningin, hirap sa konsentrasyon, sakit ng dibdib, pamamanhid, sumpong; o pag-ihi ng mas kaunti kaysa sa karaniwan o wala talaga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay o bato, dyabetis, o hemopilya. Dahil ang angiomax ay isang pampapalabnaw ng dugo at nagpipigil sa pamumuoo ng dugo, tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong pagdurugong hindi tumitigil. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. Kung ikaw ay nabuntis habang gumagamit nito, sabihin agad sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».