Anistreplase - injection

Sigma Pharmaceuticals | Anistreplase - injection (Medication)

Desc:

Ang Anistreplase-injection ay ginagamit para sa akyut na MI para sa lysis ng coronary artery thrombi. Ang medikasyong ito ay nagpipigil sa dugo mula sa pamumuo. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang medikasyong ito ay epektibo sa pagpapababa ng panganib ng kamatayan sunod sa akyut na atake sa puso. Ang medikasyong ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa ugat agad kung ang mga sintomas ng atake sa puso ay mangyari. Ito ay ibinibigay ng mga propesyonal sa alagang pangkalusugang nagmumonitor sa iyong terapiya. Ang tumaas na panganib ng pagdurugo kasama ng heparin, pambibig na anticoagulant, mga gamot na antiplatelet at ibang mga gamot na pwedeng makaapekto sa paggawa ng pleytlet. ...


Side Effect:

Ang mga masamang epekto ng gamot na ito ay may kasamang sakit ng ulo, lagnat, pamamawis, agitasyon, pagkahilo, parestesya, pangangatog, vertigo, haypotensyon, mga karamdamang konduksyon, pagduduwal, pagsusuka, bumabang haematocrit, pagdurugo, pamamantal, urtikarya, phlebitis sa bahaging pinagturukan, pangangati, pamumula, sakit sa ibabang likod, arthralgia, nabagong pamamawis at dyspnea, Ang mga nagbabanta sa buhay na mga epekto ay may kasamang intracranial na pagdurugo, dysrhythmias, GI na pagdurugo, genitourinary na pagdurugo, intracranial na pagdurugo, retroperinial na pagdurugo, thrombocytopenia, bronchospasm, edema sa baga, at anaphylaxis. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung mayroong mga sumusunod na kondisyon: pagdurugo, mga abnormalidad sa ugat, tumor sa utak, kasaysayan ng atakeng serebral, kamakailan lamang ng operasyon, sobrang taas na presyon ng dugo (200/120 o mas mataas pa). Ang gamot na ito dapag gamitin ng may ingat kung mayroon ng mga sumusunod na kondisyon: nangangak sa nakaraang 10 araw, mga problema ng pamumuo ng dugo, endocarditis, kamakailan lamang na pagdurugong retinal, kamakailan lamang na pagdurugong gastrointestinal o pang-ihing trak, mga ulser, napakataas na presyon ng dugo (180/110), kamakailan lamang na prosedyur na invasive, kung ikaw ay nagkaroon ng synthetic graft placed (knitted Dacron), mga abnormalidad sa puso. Ang medikasyong ito ay dapat na gamitin lamang habang buntis kung malinaw na kinakailangan. Ang mga panganib at benepisyo ay dapat na talakayin kasama ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».