Niaspan
Abbott Laboratories | Niaspan (Medication)
Desc:
Ang Niaspan/niacin ay isang nireresetang gamot na ginamit lamang kasama sa pagdidiyeta kapag ang padidiyeta ng mababang kolesterol at pag-ehersisyo ay hindi sapat. Pinapataas ng Niaspan ang HDL (mabutinf) kolesterol at pinapababa ang LDL (masamang) kolesterol at mga triglyceride sa mga taong may abnormal na antas ng kolesterol. Ginagamit din ito upang mapababa ang insidente ng atake sa puso sa mga taong inatake na sa puso at may mataas na kolesterol. Sa mga taong may coronary artery disease at mataas na antas ng kolesterol, kapag ginamit ang Niaspan kasama ang bile acid-binding resin (isa pang gamot sa kolesterol), ay maaaring makapagpabagal o makapagpabawas sa pagbuo ng tabang bumabara (fatty deposits) sa iyong mga ugat. Kapag ang pag-inom ng Niaspan, simvastatin, o lovastatin ng hiwa-hiwalay ay hindi sapat, ang Niaspan ay maaaring gamitin kasama ng lovastatin o simvastatin upang mapagbuti ang mga antas ng abnormal na kolesterol. Walang karagdagang pakinabang ang Niaspan sa sakit sa puso ang naipakita kapag ginamit ito kasama ng simvastatin o lovastatin kumpara sa paggamit ng niacin, simvastatin, o lovastatin ng hiwalay. ...
Side Effect:
Ang matinding pinsala sa atay ay maaaring mangyari kapag pinalitan ng isang long-acting na Niaspan mula sa agarang paglabas (immediate-release) ng niacin. Huwag magpalit sa pagitan ng mga uri ng niacin nang hindi kinaausap ang iyong taga-pangangalaga ng kalusugan. Sabihin sa iyong taga-pangangalaga ng kalusugan ang tungkol sa anumang hindi maipaliwanag na sakit ng kalamnan, panglalambot, o panghihina, dahil ito ay maaaring tanda ng isang seryosong epekto. Ang peligro na ito ay maaaring madagdagan kapag ang Niaspan ay pinainom kasama ng statin, partikular sa mga matatanda, may diyabetis, at mga may problema sa bato o teroydeo (thyroid). ...
Precaution:
Bago gamitin ang Niaspan ang ating mga taga-pangangalaga ng kalusugan ay dapat gumawa ng mga pagsusuri sa dugo bago at sa panahon ng paggamot upang suriin ang mga antas ng enzyme ng atay, dahil maaaring madagdagan ito sa paggagamot. Sabihin sa iyong ttaga-pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kang mga problema sa bato, o ikaw ay nagkaroon ng pamamaga ng kasukasuan sanhi ng uric acid. Ang Niaspan ay maaaring maging sanhi ng pagtaas ng antas ng uric acid. Ang ilang mga gamot ay hindi dapat inumin kasama ng Niaspan. Sabihin sa iyong taga-pangangalaga ng kalusugan ang tungkol sa lahat ng mga gamot na iyong iniinom, kabilang ang aspirin, anumang gamot sa kolesterol, gamot sa presyon ng dugo, o gamot sa pagpapanipis ng dugo, o anumang mga produktong naglalaman ng niacin o nikotinamide. Hindi nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso ang paggamit ng Niaspan ng walang payo galing sa iyong Doktor. ...