Niazid

BCM | Niazid (Medication)

Desc:

Ang Niazid / isoniazid, ay isang antibiotic na ginagamit kasama ng iba pang mga gamot upang gamutin ang mga aktibong impeksyon dala ng tuberkulosis (TB), at mag-isang ginagamit upang maiwasan ang mga aktibong impeksyon na dala ng TB sa mga taong nag positibo sa TB skin test. Ang Niazid ay epektibo lamang para sa mga impeksyong bakteryal at hindi ito gagana para sa mga impeksyong viral tulad ng karaniwang sipon, o trangkaso. Ito ay isang de-resetang gamot lamang at dapat inumin gamit ang bibig 1 oras bago o 2 oras pagkatapos kumain, o kung papaano itinuro ng iyong doktor. Ang sukat at dami ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon ng iyong katawan sa paggagamot. Huwag dagdagan ang sukat at dami o dalas nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Karaniwan, ang Niazid ay maaaring maging sanhi ng pagduwal, pagsusuka o pagkasira ng tiyan. Kung ang alinman sa mga ito ay magpapatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Mas bihira, ngunit ang malubhang epekto ay ang: pamamanhid, panginginig ng mga braso o binti, masakit o namamagang mga kasukasuan, pagbabago ng dami ng ihi, nadagdagan ang pagkauhaw o pag-ihi, pagbabago sa paningin, madaling pagpapasa o pagdurugo, mga bagong palatandaan ng impeksyon tulad ng lagnat , paulit-ulit na pamamaga ng lalamunan, mga pagbabago sa pag-iisip o kondisyon tulad ng pagkalito at psychosis, o mga kombulsyon. Kung mapapansin mo ang alinman sa mga ito, humingi kaagad ng tulong medikal. Bihira ang isang reaksyong alerdyi, ngunit kumuha ng pangangalagang medikal kung ang mga sumusunod na sintomas ay nangyayari: pagpapantal na may pamumula, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Niazid ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay, paggamit ng alak/ alkohol, impeksyong HIV, sakit sa bato, diyabetis, peripheral neuropathy (pamamanhid sa braso/kamay/hita/paa), o bagong panganganak. Habang gumagamit ng Niazid ay hindi inirerekumenda na magkaroon ng anumang mga pagbabakuna nang wala pahintulot ng iyong doktor. Limitahan din ang iyong pag-inom ng alak/alkohol. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng Niazid sa mga buntis at nagpapasuso kung walang payo galing sa doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».