Nicardipine

Barr | Nicardipine (Medication)

Desc:

Ang Nicardipine ay nasa isang klase ng mga gamot na tinatawag na calcium channel blockers. Ang Nicardipine ay nagpapakalma (nagpapalawak/ nagpapalaki) ng iyong mga daluyan ng dugo, na ginagawang mas madali para sa puso na magpadaloy ng dugo at mapagaan ang trabaho nito. Ginagamit ang Nicardipine upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo at angina (pananakit/paninikip ng dibdib). ...


Side Effect:

Ang mga epekto ng Nicardipine ay may kasamang pagbilis ng tibok ng puso dahil sa pagbaba ng presyon ng dugo. Ang iba pang mga epekto ay kasama ang pamamaga ng mga paa (edema), pagkahilo, pananakit ng ulo, pamumula, pagkabog ng dibdib, at pagduwal. Ang Nicardipine kung minsan ay maaaring maging sanhi ng pagdalas at pagtagal ng angina (pananakit/paninikip ng dibdib). Ang dahilan ng epekto na ito ay hindi pa malinaw na naiintindihan. Ang sobrang pagbaba ng presyon ng dugo ay maaaring mangyari sa mga bihirang pagkakataon, lalo na sa panahon ng pagsisimula ng paggamot o pagsunod sa mga pagbabago ng sukat at dami. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, colitis, o mga problema sa tiyan. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa mga buntis at nagpapasuso ng walang payo galing sa doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».