Ansaid
Pfizer | Ansaid (Medication)
Desc:
Ang Ansaid ay ginagamit para sa rheumatoid arthritis at osteoarthritis. Ang Ansaid ay ginagamit para bawasan ang sakit, pamamaga, at katigasan ng mga kasu-kasuan mula sa rayuma. Ang medikasyong ito ay kilala rin bilang nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). Kung ginagamot mo ang kronik na kondisyong tulad ng rayuma, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga paggagamot ng walang gamot at/o paggamit ng ibang medikasyon para gamutin ang sakit. ...
Side Effect:
Ang pag-iiba ng tiyan, konstipasyon, pagtatae, gas, pangangasim ng sikmura, pagduduwal, pagsusuka, pagkahilo, pagkaantok, o sakit ng ulo ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihan ang iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malaman ngunit seryosong epekto ang mangyari: sakit ng tiyan, pamamaga ng mga kamay o paa, bigla o hindi maipaliwanag na pagbigat, pagbabago sa paningin, mga pagbabago sa pandinig (halimabawa, pagtining sa iyong tainga), mga pagbabago sa pag-iisip/kalooban, mabilis/kumakabog na tibok ng puso, tumagal/matinding sakit ng ulo, pagkahimatay, mahirap/masakit na paglunok, hindi pangkaraniwang pagkapagod. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga madalang ngunit napakaseryosong epekto ang mangyari: pagbabago sa dami ng ihi, madaling pagpapasa o pagdurugo, mga senyales ng inpeksyon (halimbawa, lagnat, tumatagal na pamamaga ng lalamunan), hindi maipaliwanag na stiff neck, putol-putol na pananalita. Ang gamot na ito ay maaaring madalang na magsanhi ng seryoso (posibleng nakamamatay) na sakit sa atay. kung ikaw ay may mapansing alinman sa mga hindi malamang ngunit napakaseryosong epekto, ihinto ang paggamit ng flurbiprofen at komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko agad: paninilaw ng mga mata o balat, ihing madilim ang kulay, matinding sakit ng tiyan, tumatagal na pagduduwal/pagsusuka. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha; o pamamantal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Ansaid, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang mga hindi aktibong sangkap, na pwedeng magsanhi ng reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Kausapin ang iyong parmaseutiko para sa mas maraming detalye. Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay may ilang kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: sensitibo sa aspirin na hika (kasaysayan ng lumalalang paghina na may kasamang makati/baradong ilong pagkatapos gumamit ng aspirin o ibang mga NSAIDs). Kamakailan lamang na operasyong heart bypass (CABG). Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: sakit sa bato, sakit sa atay, hindi maayos na nakontrol na dyabetis, mga problema sa tiyan/bituka/lalamunan (halimbawa, pagdurugo, mga ulser, bumabalik na pangangasim ng sikmura), sakit sa puso (halimbawa, kondyestib na pagpapalya ng puso, kasaysayan ng atake sa puso), atakeng serebral, altapresyon, pamamaga (edema, retensyong ng tubig), dehaydrasyon, mga karamdaman sa puso (halimbawa, anemya), mga problema sa pagdurugo o pamumuo ng dugo, hika, pagtubo sa ilong (pang-ilong na polips). Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko na ikaw ay gumagamit ng medikasyong ito. Maaaring gawin kang nahihilo o naaantok ng gamot na ito. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak at ihinto ang paninigarilyo. Konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko para sa mas maraming impormasyon. Ang medikasyong ito ay maaaring gawin kang higit na sensitibo sa araw. Iwasan ang matagal na pagkababad sa araw, pangungulting kubok, o ilaw na araw. Gumamit ng sunscreen at magsuot ng protektibong damit kapag nasa labas. Ang mga mas matatandang adulto ay maaaring mas sensitibo sa mga epekto ng gamot na ito, lalo na sa pagdurugo sa tiyan at mga epekto sa bato. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...