Nicolar
Sanofi-Aventis | Nicolar (Medication)
Desc:
Ang Nicolar / niacin ay ginagamit upang gamutin at maiwasan ang kakulangan ng natural na niacin sa katawan, at upang mapababa ang kolesterol at triglycerides (mga uri ng taba) sa dugo. Ginagamit din ito upang mapababa ang insidente ng atake sa puso sa mga taong may mataas na kolesterol na inatake na sa puso. Ang Niacin, na tinatawag ding nicotinic acid, ay isang bitamina B (bitamina B3). Ito ay natural na nakukuhs sa mga halaman at hayop, at idinagdag din sa maraming pagkain bilang suplemento sa bitamina. Minsan, ginagamit ang Nicolar / niacin upang gamutin ang coronary artery disease (tinatawag ding atherosclerosis). ...
Side Effect:
Ang hindi gaanong malubhang epekto ng Nicolar ay: banayad na pagkahilo, pag-iinit, pamumula, o pakiramdam na may tumutusok tusok/gumagapang sa ilalim ng iyong balat, pangangati, panunuyo ng balat, pagpapawis o panginginig, pagduduwal, pagtatae, pagdidighay ng hangin, sakit ng kalamnan, pamumulikat ng paa; o mga problema sa pagtulog (insomya). Tawagan kaagad ang iyong doktor kung mayroon ka ng alinman sa mga seryosong epekto na ito: pakiramdam ng paggaan sa ulo, nahimatay, mabilis, pagkabog, o hindi pantay na pagtibik ng puso, hinihingal, pamamaga, paninilaw ng balat (paninilaw ng iyong balat o mga mata); o sakit ng kalamnan, panlalambot, o kahinaan na may kasamang sintomas ng lagnat o trangkaso at madilim na kulay na ihi. ...
Precaution:
Iwasan ang pag-inom ng alak habang umiinom ng Nicolar. Maaaring dagdagan ng alkohol ang iyong peligro ng pinsala sa atay, at maaari ding mapalala ang mga epekto ng pamumula dala ng niacin. Iwasan ang pag-inom ng maiinit na inumin sa ilang sandali lamang pagkatapos ng pag-inom ng niacin. Ang mga maiinit na inumin ay maaaring magpalala ng epekto ng pamumula dala ng niacin (pag-iinit, pangangati, pamumula, o pakiramdam na may tumutusok tusok/gumagapang sa ilalim ng iyong balat). Iwasang bumangon ng masyadong mabilis mula sa posisyon ng pagkakaupo o pagkakahiga, at baka ikaw ay mahilo. Iwasang uminom ng colestipol o cholestyramine sa parehong oras na pag-iinom ng Nicolar. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng Nicolar sa mga buntis o nagpapasuso ng walang payo galing sa doktor. ...